CHAPTER SEVEN

826 35 58
                                    

AUTHOR'S NOTE


Dapat bukas pa ako maga-update pero may advisory ang nagsu-supply sa amin ng kuryente na mawawalan bukas. At sa loob ng isang araw iyon halos. Ano pa ba ang magagawa kundi ang sumabay na lang sa agos. Kahit magreklamo wala namang makukuha. Pero ayos lang dahil sanay naman ako sa ganoon. Palagi naman kasi.

So, para sa sa update na ito. Maraming THANK YOU sa mga reader na sumusuporta at walang sawa sa pagbibigay ng komento. Una na sa listahan ang lagi kong kachukchakan na si KaizerPaul at Bertshan na nahuli man hindi nakalimutan ang pagbibigay ng saloobin. ☺☺☺

Sana po ma-enjoy niyo ang kwento na ito.



CHAPTER SEVEN

PATAMAD na umupo si Theo sa sofa na nasa music room. Katatapos pa lang ng huli niyang klase sa araw na ito at tamad na tamad ang pakiramdam niya. Bago siya umuwi nagtungo muna siya sa music room para makita ang mga kabanda. Halos isang buwan na rin mula nang hindi siya makapunta sa lugar na ito kaya susulitin niya. Wala pa ang mga kabanda niya. Duda rin siya kung may pupunta ba sa tatlo ngayon dito. Sa sobrang excitement niya na magtungo rito hindi na niya naisip na wala ang mga kabanda niya kapag ganitong oras. Abala rin kasi ang mga ito sa kanya-kanyang pag-aaral. Sa kanilang apat, siya lang ang palaging nagtutungo sa lugar na ito. Sunod si Devin kapag hindi nito trip mag-aral sa library. Panghuli sina Brax at Chris.

Speaking of Brax, palagi niya itong nakikita na kasama si Vienne na bestfriend nito. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil bestfriend ang dalawa simula pagkabata base na rin sa kwento ni Brax. Hindi niya lang maiwasan na tuksuhin ang mga ito. Tuwing nakikita niya ang mga ito laging pambungad niyang pang-asar ay lovebirds o lovers na hindi naman pinapansin ni Vienne. Cool nga ito palagi kapag inaasar niya kay Brax. Parang hindi naapektuhan. Ang palaging ganti nitong pangangantiyaw sa kanya ay Shrek na tinatawanan lang niya at sinasabing hindi ito marunong mag-appreciate ng kagwapuhan. Samantalang si Brax ay laging napipikon at sinasaktan siya. Hindi naman na nakapagtataka dahil kilala si Brax na pikon at bugnutin. Sa kanilang apat ito ang mainitin ang ulo.

Narinig niya pag-ingit ng pinto. Napatingin siya doon para tingnan kung sino ang papasok. Sumalubong sa kanya ang mukha ni Devin.

"Yo, Devin," bati niya rito.

"Nandito ka pala," anito. "Kanina ka pa ba nandito?"

Umiling siya. "Kakarating ko pa lang. I just decided to drop by to see you."

"Talaga?" Tanong nito saka kinamot ang tungki ng ilong. Noon pa man napapansin na niya na mannerism ng kaibigan at kabanda niya ang ganoon.

"Oo. Ang tagal kong hindi nakapunta dito, eh. Simula ngayon araw-araw na akong pupunta dito. Makaka-attend na rin ako ng band practice natin. At higit sa lahat makakapunta na ako sa Maysha Bar para makapag-perform kasama kayo."

"Mabuti naman. That was good to hear. Na-settle na ba ang problema mo?"

Natigilan siya sa tanong nito. Nang sinabi niya sa mga kabanda na hindi siya makakadalo sa band practice at sa gig nila sa Maysha Bar, ang palusot niya may problema sa bahay nila. He didn't tell details to them. Ayaw naman niya kasing ipangalandakan sa mga ito na malaki ang gap sa pagitan nila ng ama. Hindi nga alam ng mga ito na hindi siya pinapayagan ng ama sa pagbabanda. He can't ruin his image as a happy-go-lucky type of guy for his bandmates and to those persons who idolize him.

"Natahimik ka na dyan, Theo."

"Sorry. May naalala lang akong bigla. Well, yeah. Wala ng problema kaya libre na ang oras ko."

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon