CHAPTER SIXHABANG naglalakad palayo sa bahay ng mayabang na lalaki hindi maiwasan ni Theo ang murahin ito sa isip niya. Napakayabang nito porke't nasa sarili itong pamamahay nito. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya naka-encounter ng kabaro niya na ganoon kung umasta. Sanay kasi siya na nakukuha ang kanyang gusto. Walang sumasalungat sa kanyang sinasabi at higit sa lahat wala pang tao na nagsabi sa kanya na wala siyang utak. Even his family member don't call him one. Ang papa niya nga na hindi niya kasundo ay hindi siya nasasabihan ng ganoon.
Pero natigilan siya. Hindi siya sinabihan ng lalaking iyon na tanga o bobo siya. The word comes from his mouth because that guy was pointing him to be one. Iyon ang nais nitong ipagkahulugan sa mga salitang binitawan nito. Pero pareho na rin iyon.
Sisiguraduhin niya na magkikita ulit silang dalawa. At kapag nangyari iyon he will turn the table. He'll make sure that that guy will suffer under him.
Napaisip siya bago pa masira nang tuluyan ang mood niya dahil sa lalaki. Sa totoo lang medyo vague pa ang isipan niya kanina ng kausap ang lalaki, tungkol sa mga nangyari kagabi o madaling araw. Ang alam lang niya ay kung paano siya umalis sa bahay ng mama niya. Hindi siya nagpaalam. Sa katunayan ang pakikipag-inuman niya sa mga barkada niya ay biglaan lang. Nagkayayaan ang mga ito sa text. Tutal wala naman siyang ginagawa at hindi makatulog nagpasya siyang pumunta sa bahay ng isa sa kaibigan niya kung saan nag-iinuman ang mga ito. He enjoyed every bits of it. Dahil birthday party iyon malaya siyang uminom at magpakalasing. He also thinks of it as his celebration for being away with his father. Sa sobrang kasiyahan hindi na niya namalayan na lasing na siya at kung hindi pa nagyayang umuwi ang isa sa mga barkada niya ay hindi pa siya titigil. Dahil sa magkaibang direskyon ang tutunguhin nila naiwan siyang mag-isa at ang nangyari nga ay nanakawan siya. But before that, sa pagkakatanda niya naligaw siya dala ng kalasingan. Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa street na kinaroroonan niya. And after that he ended to the street where he came just now.
When he was on the part of the dark alley, someone bumped him that made him out of balance. Tinulungan nga siya ng lalaking hindi niya namukhaan pero kinuha naman ng taong iyon ang cellphone at wallet niya.
He had no choice but to walk and walk until he felt tired and alcohol consumed him. Natumba siya ulit. Hindi agad nakagalaw dahil sa pagkakabagok ng ulo.
Speaking of pagkakabagok, kinapa niya ang likuran ng ulo. May bukol siya doon. Medyo masakit pa ng pisilin niya. Mabuti na lang at hindi malakas ang pagkakabagok niya kundi baka nasa punerarya na siya ngayon o mas malala ay nasa kalsada pa rin at pinagpipiyestahan ng mga taong usisyero.
Pagkatapos niyang mabagok nakadama na siya ng antok at walang pakialam na nakatulog nga. Naalimpungatan lang siya ng maramdaman na parang may mga matang nakamasid sa kanya. Hindi nga siya nagkamali at nakita ang mukha ng lalaki kanina. Ang lalaking nakakabwisit na sa tantiya niya ay kaedad lang niya.
Nang makakita siya ng paparating na tricycle agad niyang pinara iyon. Malapit lang naman ang bahay ng mama niya sa bahay ng gagong lalaki pero gusto pa rin niyang mag-commute. Mga dalawang street ang malalampasan bago makarating sa kanila. Masakit na kasi sa balat ang sikat ng araw. Hindi pa naman siya nakasuot ng mahabang damit. Sa suot niya halos nakapambahay lang siya.
Nang makarating sa bahay ng ina, kapansin-pansin ang katahimikan doon. Hindi niya maiwasan ang kabahan kapag ganoon ang atmosphere. Sa bahay kasi ng ama niya kapag ganoon ibig sabihin niyon ay nasa loob ito at sesermunan siya sa mga ginagawa niya sa buhay.
Pero wala naman siyang dapat ipag-alala dahil alam niya na kabaliktaran ng papa niya ang mama niya. Pagsasabihan lang siya nito at hindi sesermunan. Mas bumuti ang pakiramdam niya sa isipin na iyon. Pumasok siya sa bahay pero natigilan nang makita ang taong prenteng nakaupo sa single seater sofa. Magkatabi naman ang Ate Tina at mama niya sa mahabang sofa.
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
RomanceA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...