AUTHOR'S NOTE
Again, gusto kong ipaalam sa lahat ng reader na ang mababasa niyo rito ay pamilyar na eksena lalo na kung nabasa niyo na ang Beat of my Heart na sina Brax at Vienne ang story. Pagpasensyahan niyo na lang muna... ☺☺☺☺
Umaasa ako na sana magutuhan niyo ang partikular na chapter na ito.
Pasensya na rin pala kung may kaiksian. Ang word count ay umabot naman sa 2k pero hindi lumampas sa 2.4k na siyang bilang na lagi kong pinipilit abutin kada chapter.
PS: masaya pala ako na ibalita na karamihan sa mga story na gawa ko ay kasama sa ranking. Hindi man kataasan atleast nakasama. Kaya naman, marmai pong SALAMAT sa inyo! Kung hindi dahil sa inyo walang-wala ang story ko. 😊😊😊😊
Enjoy again!!
CHAPTER TWENTY-FIVE
NAGKUNWARI si Theo na hinahanap si Austin para maging kapani-paniwala ang pagpasok niya sa eksena. Tinatawag pa niya ang pangalan nito para pandagdag sa pagkukunwari niya.
Matamis siyang ngumiti. Kung gaano katamis ang pagkakangiti niya sobra naman ang pagkapakla ng pagkabusangot ng mukha ni Austin. Mukhang alam na ang munting palabas niya.
A little chitchat happened until Austin walked out. Nang magtanong si Vienne kung ano ang nangyari kay Austin, agad siyang sumagot. Alam niya na narinig iyon ni Austin na siya namang inaasahan niya bago ito tuluyang lumabas ng comfort room.
"Boyfriend mo ba talaga si Austin?" Usisa ni Vienne sa kanya.
Ngumiti siya. "Oo. Boyfriend ko nga siya. I know it was sudden given the time but I can't tell you details for now. I need to go. Kailangan ko pang sundan si Austin," aniya rito.
Gusto na niya talagang umalis para masundan si Vienne pero kasabay niyon ang kagustuhan na makaalis sa sitwasyo na ginawa niya. Para lang siyang ewan para sabihin na 'boyfriend' niya si Austin para lang makapang-asar. Napigilan na nga niya si Austin sa pagsasabi ng nararamdaman nito para kay Vienne tapos ginatungan pa niya. Well, ganito naman na talaga siya at hindi na mababago 'yon.
Nasa paliko na siyang parte ng pasilyo nang makasalubong niya si Brax.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nakita mo ba si Austin?"
Halos sabay silang nagtanong sa isa't-isa.
"Kasama mo si Austin? Akala ko may pinuntahan ka? Dito ba 'yun?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Brax.
Ka-text niya ito kanina kaya nalaman nito na may pinuntahan siya. May pinunthahan nga siya at si Austin iyon sa kwarto nito para kulitin na sumama sa kanya sa kinaroroonan nila ngayon. Brax invited him through text to drink with him but he declined and choose to go with Austin here. Hindi nito alam na pareho silang bahay na inuuwian ni Austin. Kay Devin pa lang naman kasi niya nasasabi ang set up niya.
"May pinuntahan nga ako at kina Austin iyon." Sagot na lang niya.
"Close kayong dalawa?"
"Nitong nakaraang araw lang," mabilis niyang sagot. Close sila ni Austin. Close na magkaaway at hindi sa good terms. But he won't elaborate it to Brax. "Saan ba siya nagpunta?"
"Ewan. Kung ka-close mo siya. Pakibantayan para sa akin. 'Wag siyang lalapit kay Vienne. Akin na ang bestfriend ko."
Napanganga siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na sinabi ni Austin kay Brax ang nararamdaman nito para kay Vienne. Naghahanap ba ito ng gulo? Parang hindi nito kilala ang ugali ng kabanda niya. Pero mas natigilan siya sa nais ipahiwatig ni Brax sa kanya. Nakabawi siya sa pagkanganga ng ma-realize ang pino-point out nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/146588266-288-k673858.jpg)
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
RomanceA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...