CHAPTER TWENTY-THREE

665 30 158
                                    

AUTHOR'S NOTE

Nasa chapter 26 na ako ng kwento na ito kaya update muna. Ilang araw na rin mula nang huli akong nag-update and I think I owe my readers for it. Mahirap ng paghintayin ko pa kayo ng matagal lalo na at alam ko ang pakiramdam ng naghihintay. 😆😆😆

Sana po ay mag-enjoy kayo sa pagbabasa ng chapter na ito.



CHAPTER TWENTY-THREE




"HANDA na ang mesa, mahal na hari."

Hindi pinansin ni Theo ang sarkasmo sa boses ni Austin ng tawagin siya. Agad siyang dumulog sa mesa at naglagay ng kanin at adobong ulam sa plato niya. Gutom na siya. Wala siyang balak na patulan ito. Itinuon niya ang pansin sa pagkain. Sunod-sunod ang naging pagsubo niya na naging dahilan upang mabulunan siya.

Agad siyang inabutan ni Austin ng tubig. Agad niyang ininom iyon. Nang maginhawaan inilapag na niya ang baso sa mesa.

Napatingin siya kay Austin na may pag-aalala sa mukha. Sa ekpresyon ng mukha nito hindi niya maiwasan ang matahimik. Genuine ang nakikita niyang concern nito para sa kanya. Sa kabila ng nagawa niya rito kanina nagawa pa rin nitong mag-alala sa kanya.

"Okay ka lang ba?"

Tumango siya saka nag-iwas ng tingin. "Oo. Okay lang ako."

"Mabuti naman. Dahan-dahan ka lang kasi sa pagkain mo."

"Bakit ka ganyan?" Tanong niya rito. Hindi makatingin dito.

"Anong bakit ako ganito?"

"May nagawa akong mali sa 'yo kanina pero nagagawa mo pa ring mag-alala sa akin."

"Oo, nag-aalala ako. Pero hindi ibig sabihin n'un na hindi ako naaasar sa 'yo. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga masamang bagay na ginawa mo sa akin."

Sumimangot siya. "Hindi porket ganito ang nangyayari ngayon magiging mabait na ako sa 'yo. I should be thankful but I'm not the kind to say that thing. Pero sa ngayon, nagpapasalamat ako sa 'yo. Maliit na bagay ang ginawa mo pero na-appreciate ko. Salamat."

Natigilan ito sa sinabi niya. Hindi agad nakapag-react. "Bago 'to, ah. Hindi ko nakitang mangyayari 'to. Pero sige. Tinatanggap ko ang pasasalamat mo. Pwede mo na rin sigurong idagdag ang paghingi ng tawad para sa ginawa mo kanina."

"Sorry? Hindi ako hihingi ng sorry sa nagawa ko kanina. Hindi mo naman kasi sinunod ang gusto ko."

"'Di 'wag. Madali akong kausap. Bakit naman kasi kita susundin? Gusto mo akong maghubad sa harap mo para lang mapatunayan ang sinasabi ko. Hindi ako bata para sundin ang mga kapritso mo."

"'Wag mong kakalimutan na ako ang laging masusunod sa 'tin na dalawa."

Napailing ito sa sinabi niya. "For the record, Theo. Pumayag ako na maging alipin mo dahil ayokong sabihin mo kay Vienne ang nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi ibig sabihin ng pagpayag ko na susunod ako sa lahat ng gusto mo. I won't follow your petty order. 'Wag kang childish."

"Sa mga pinagsasabi mo parang hindi ka natatakot sa posibleng gawin ko laban sa 'yo."

"Aaminin ko na may takot ako pero hindi pa rin ako susunod sa lahat ng kagustuhan mo."

"Then fine! Asahan mo na sasabihin ko kay Vienne ang feelings mo para sa kanya."

"Go on and be my guest."

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon