CHAPTER SIXTY-NINE"BAKIT ka sinigawan?"
"Bakit biglang nagalit?"
Iyon ang mga tanong na natanggap ni Austin pagkatapos niyang magkwento sa nangyari sa kanila ni Theo kagabi. Napansin kasi ng dalawa na hindi sila nagpapansinan ni Theo. Nasanay kasi ang mga ito na hindi sila naghihiwalay tuwing dumadating sila. Magkaiba ang pagpunta nila ni Theo. Hindi siya sumabay sa motor nito. Mas pinili niya kasi ang magtaxi.
Kagabi pa niya hindi pinapansin si Theo dahil sa bigla nitong paninigaw sa kanya. Nabigla siya at siyempre masakit iyon sa kanya lalo na at ang dahilan pa ay si Sophia na alam naman niyang crush ni Theo. Sa aksyon nito kagabi parang may tinatago ito sa kanya na ayaw nitong malaman niya. Hindi niya tuloy maiwasan ang ma-curious sa bagay na iyon.
"Sa tingin mo, Leighton, bakit sinigawan ni Theo si Austin?"
"Aba ewan ko. Marami na akong problema at ayaw ko ng dagdagan pa."
"Dapat ayusin nila 'yan, Leighton, hindi makakaya ng fujoshi heart ko kung magbe-break sila."
"OA ka, Lovelace. May hindi lang pagkakaunawaan, break-up na kaagad ang nasa isip mo."
"Pag-usapan niyo dapat 'yan, Austin. Dapat kinibo mo na siya kagabi pa."
Natigil siya sa pag-iisip dahil sa dalawa na nag-uusap na parang wala siya sa harap ng mga ito. Kung hindi pa nabanggit ni Lovelace ang pangalan niya baka hindi na siya nakasingit sa mga ito.
"Dapat talaga kaming mag-usap. Hindi ko gusto 'yong ginawa niya kagabi. Alam ko na may mali rin ako pero masakit kasi sa loob ko na masigawan niya ako at dahil pa talaga sa isang tao."
"Push mo 'yan, Austin. Mag-usap kayo. I-clear mo kung ano ang dahilan ng pagsigaw niya. Tanungin mo kung may tinatago ba siya. Kapag hindi umamin makipag-break ka na. Mahaba na rin ang lampas dalawang taon na pagsasama niyo."
"Leighton!" Gigil na sigaw ni Lovelace sa lalaki na pareho nilang ikinangiwi. "'Wag mong susundin ang sinasabi ni Leighton, Austin. Mag-usap kayo. Magkaunawaan. Kaunting misunderstanding lang 'yan at kaya pang resolbahin. Hindi kailangang umabot sa hiwalayan. 'Wag kang advance na lalaki ka. Masyado kang bitter!" Asik nito kay Leighton na binalewala lang ng huli.
"I'm just suggesting you know. Pero si Austin pa rin ang magdedesisyon niyan. Kung ano man ang kalalabasan ng pag-uusap niyo ni Theo sa likod mo lang ako. Susuportahan kita."
He was touched on what Leighton said. Minsan harsh talaga ito magsalita ngunit ramdam naman niya ang pagpapahalaga sa kanya. Katulad din ito ni Lovelace. Maaasahan niya talaga ang mga ito pagdating sa mga ganitong bagay.
"Pero kailan mo ba siya balak kausapin, Austin? Dapat huwag mo nang patagalin 'yan."
"Mamaya ko siya kakausapin, Lovelace, pagkatapos ng rehearsal natin."
"Good. Gusto ko bang samahan pa kita?" Pa-cute nitong tanong.
"Mag-uusap sila gusto mong sumama. Iba ka rin talaga, Lovelace. Iba rin talaga ang pagiging tsismosa mo."
Natawa siya sa sinabi ni Leighton samantalang irap naman ang naging tugon ni Lovelace dito. "'Wag kang ano dyan. Panira ka ng diskarte."
"Panira ka ng diskarte mo dyan. Para-paraan ka 'yan ang sabihin mo."
Bago pa mauwi sa bangayan ang dalawa pumagitna na siya sa mga ito. Sinaway niya ang mga ito bago nagpaalam na pupunta siya sa comfort room para umihi.
Pumunta siya sa comfort room at hindi inaasahan na tao ang naabutan niya sa loob. Si Kyrion Jay iyon na mukhang kakahilamos pa lang dahil sa basa na buhok at mukha. Kiming ngiti ang binigay niya rito na ginantihan naman nito ng tipid na ngiti. Dumiretso siya sa cubicle saka umihi. Pagkatapos nagtungo siya sa lavatory para maghugas ng kamay.
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
RomantikA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...