CHAPTER FORTY-FOUR
"KUMUSTA na ang pinapagawa sa 'yo ng Tita Sharmaine mo, Austin?"
Kumakain si Austin nang magtanong ang mama niya. Lunch time na at karinderya nila naisipan niyang kumain. Wala silang pagkain sa apartment dahil hindi naman siya nag-abalang magluto, ang dahilan niyon, walang iba kundi ang nangyari sa kanila ni Theo kagabi. Given na nakainom at nahihilo siya kagabi subalit ang mga eksena naman ay malinaw sa kanyang isipan. Nakakahiya iyon. Hindi niya alam kung paano haharapin si Theo pagkatapos ng nangyari kahit na hindi naman natuloy.
"Hindi ko pa nasisimulan, 'Ma," tipid niyang sagot.
"Kailan mo ba balak umpisahan?"
"Hindi ko po alam."
Bumuntung-hininga ito. "Gusto mo bang tulungan na kita, Austin, anak."
"'Wag na po, 'Ma, alam ko na magagawa ko 'yon. Mahirap lang sa ngayon dahil hindi naman kami ganoon ka-close ni Theo." At lalong hindi kami magiging close pagkatapos ng nangyari kagabi. Hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin at kakausapin ng casual na hindi nakakadama ng pagkailang.
Gusto sana niyang idugtong iyon ngunit hindi niya ginawa. Kapag sinabi niya iyon tiyak niya na hahaba lang ang usapan at mag-uusisa pa ito.
"Ikaw ang bahala," anito. Natigilan saglit at ngumiti na parang may nakitang pamilyar na tao.
Magtatanong sana siya nang bigkasin nito ang pangalan ng nginingitian nito. "Theo, nadalaw ka." Anang mama niya. "Kakain ka ba?"
Agad na bumangon ang kaba sa dibdib niya. Mabilis din ang tibok ng puso niya. Hindi pa siya humaharap kay Theo, sa kinaroroonan nito, ngunit grabe na ang reaksyon niya. Paano na lang niya ito haharapin.
"Opo, Tita Tere," sagot nito.
"Dito ka na pumwesto. Tamang-tama at nandito rin ang anak ko."
Gusto niyang pumikit nang mariin.
"O, Theo, bakit natigilan ka? Ayaw mo bang umupo rito kasama ang anak ko?"
Hindi niya nakikita si Theo dahil nakatalikod siya. Kung anuman ang reaksyon nito ay ibinabase niya sa sinasabi ng mama niya.
Hindi na nakatiis ang mama niya dahil umalis ito at nilapitan si Theo. Base sa naririnig niya mukhang hinila pa nito si Theo para pumunta sa pwesto nila.
"Umupo ka rito," anang mama niya nang makalapit ang mga ito.
Napipilitan na umupo si Theo sa kabilang bahagi ng mesa, paharap sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin.
"May hindi ba kayo pagkaka-unawaan na dalawa?" Usisa ng mama niya.
Both of them didn't answer. Ipinagpatuloy niya ang pagkain kahit na nawalan na siya ng gana. Si Theo naman ay nagkunwaring may tinitingnan na kung ano nang tapunan niya ng tingin.
"Wala bang sasagot sa inyo?" Tanong ng mama niya. Mukhang nainis na ito ng wala pa rin sumagot sa kanila kaya naman muling nagsalita. "Hindi kayo aalis sa karinderya ko hanggang hindi kayo nagkakabati. Pagkatapos niyong kumain na dalawa maghugas kayo ng pinggan at pag-usapan niyo ang problema niyo."
He wanted to protest but he choose to keep silent. Napaungol naman si Theo bilang protesta pero walang ibang ginawa.
Umalis na ang mama niya at naiwan silang dalawa.
Katahimikan ang namagitan. Inabala nila ang sarili sa kanya-kanyang ginagawa. Ngunit nakikiramdam siya. Pasulayap-sulyap siya kay Theo. Tinitiyak na hindi ito nakatingin sa kanya habang ginagawa niya iyon. Dahan-dahan lang ito sa pagkain at tila may pagtatantiya rin sa kilos. Siguro katulad niya ay nakikiramdam. Siguro rin ay naiisip din nito ang mga nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
RomanceA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...