CHAPTER FIFTY-SEVEN (Part One)

419 24 16
                                    

AUTHOR'S NOTE

HELLO!! At last, nakapag-update na ako sa story na ito. Pero. Paalala lang po. Walang masyadong ganap sa chapter na ito. Pinilit ko lang na mag-update dahil super na siyang natetengga. Nakakahiya naman kasi kina Theo at Austin. Baka magtampo sila na mas inuuna ko pa ang ibang character. Hahahah...

Anyways, kahit na walang ganap masyado. Sana ma-enjoy pa rin ninyo ang story na itey....







CHAPTER FIFTY-SEVEN


MALALIM na pagbuntung-hininga ang ginawa ni Austin nang matiyak na wala na ang taong iniiwasan niya. Pupunta sana siya sa karinderya ng kanyang ina nang matanaw na nandodoon si Theo kasama ang kabanda nitong si Devin. Pagkatapos ng hindi sinsadyang pagkikita nila ilang araw na ang nakakaraan, talagang tiniyak ni Austin na hindi na muling magku-krus ang landas nila.

Lumabas siya mula sa pinagtataguan na puno saka naglakad papunta sa karinderya. Habang naglalakad, hindi maiiwasan na maging mapagmatyag siya sa paligid. Palinga-linga siya. Para na siyang tanga, alam niya iyon, pero kailangan niyang manigurado. Ilang linggo na rin ang nakakaraan, mali, isang buwan na rin mula nang mangyari ang parting nila ni Theo na nagdulot ng sakit sa kanyang puso. Paghihiwalay na hindi man lang niya nagawang ipagtanggol ang sarili. Pero hindi rin naman niya masisisi si Theo, kahit na pairalin niya ang galit para sa lalaki, alam niyang may basehan ang naging reaksyon nito. Pero hindi rin naman maiiwasan na makadama siya ng galit na may kasabay na panghihinayang. Galit dahil sa isipin na ang pakikipaglapit ni Theo sa kanya ay dahil sa gusto nitong makaganti sa kanya sa lahat ng ginawa niya na naisip nitong 'pagkukunwari' para lang magawa niya ang pinapagawa ni Tita Sharmaine. At ang panghihinayang na may kasama na ring pagkabigo dahil ang buong akala niya ay pwedeng magkaroon sila ng masasabing 'tayo' ni Theo.

Sa totoo lang, tama si Kelly nang sinabi nito na basted siya kay Theo. Nakakatawa lang isipin na nag-effort siya dahil na rin sa utos nito pero nauwi lang sa wala.

Pero ano nga ba ang nangyari sa nakalipas na buwan lalo na ng umaga matapos mangyari ang naging sagutan nila ni Theo?

Muli siyang napabuntung-hininga. Nang gabing sunduin siya ni Froilan, nabigla pa ang lalaki ng makita ang mga gamit niyang dala. Wala itong naging tanong na kabaliktaran naman ni Kelly na sobra ang naging pag-usisa. Pero siyempre wala siyang naging sagot sa pag-uusisa ng kaibigan. Nang masiguradong nasa maayos na kalagayan na ang mga gamit niyang dala. Nagsimula siyang uminom. Uminom siya nang uminom ng alak kahit na hindi naman siya sanay hanggang sa mawalan siya ng malay at hindi na alam kung ano pa ang mga nangyari. Thankful nga siya na may karamay siya sa katauhan ni Kelly at ng boyfriend nito. Pero hindi maiiwasan ang pang-aasar nito sa kanya kapag may pagkakataon. Binabalik-balikan nito ang naging 'drama' niya sa inuman na hindi nga niya matandaan. Sa nakalipas na mga araw hindi na siya masyadong nakakasama kay Kelly dahil abala na rin ito sa boyfriend nito. May mga pagkakataon na pinapasama siya nito sa date nito at nagmumukha siyang third wheel o kaya naman chaperone. He had a choice not to join but just to make the sadness go away, he was doing things to forget.

Maliban kina Kelly at Froilan. Malaking factor din sa pagkawala ng kanyang lungkot ang magulang at kapatid niya. Nang umuwi siya kinaumagahan ay yakap na mahigpit ang naging tugon ng mama niya na naging dahilan para maging emotional siya. And he told his mother about what happened. Naging maintindihin ito at kinonsidera ang mga bagay-bagay.

And then came Tita Sharmaine. Sobrang apologetic ito sa mga nangyari sa pagitan nila ng anak nito. Tita Sharmaine pampered him like her own child. Diyan na iyong pinapasyal siya nito at binibili ng kung ano-ano para makabawi sa kanya. Hindi ito nagkasya sa paghingi ng tawad at laging ini-insist na ito ang may kasalanan ng lahat.

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon