CHAPTER THIRTY-SIX (Part Two)

628 30 22
                                    

AUTHOR'S NOTE



If you think this part 2 is on the rush, I am sorry. Sa ngayon pa lang may disclaimer na para huwag kayo masyadong umasa. LOL.

Dapat may buburahin ako rito na ibang scene o kaya idagdag pero nang binasa ko wala naman akong nakita na mali. Kung meron man minor lang. Pero siyempew iba-iba ang take natin sa mga ganitong bagay. Baka gusto ko pero hindi niyo magustuhan. Kaya kung may reklamo kayo, i-comment niyo.

Kung may magtatanong man kung bakit may POV si Tommy, lol. Wala lang. Trip lang. Hindi, joke lang. Kasi po gusto kong maliwanagan tayo sa pinagdadaanan ng character niya at sa blooming love life niya. At pagkatapos niya baka pati ang dakilang si Kelly ay mabigyan ko rin. Love life na rin niya para masaya.

Kaya po sana ma-enjoy niyo ang story na ito. Mali, ang part na ito...





CHAPTER THIRTY-SIX (Part Two)






"LOOK at these pictures, 'ma."

Inabot ni Tommy ang cellphone sa mama niya para makita nito ang mga larawan na nandodoon. Nasa bahay pa siya dahil nataon na wala siyang pasok. Dumalaw ang mama niya dahil sa papa niya.

Natutuwa siya sa mga nangyayari sa pagitan ng mga ito. Sinong mag-aakala na sa ilang taon na paghihiwalay ng mga ito ay magkakaroon pa rin ng pagkakataon na magkabalikan ang dalawa. Nagsimula ang lahat dahil kay Theo. Kung hindi dahil sa pasaway niyang kapatid hindi mag-uusap ang dalawa. Sinong mag-aakala na may pag-ibig pa rin ang mga ito sa isa't-isa sa kabila ng pagkakaiba. Mag-iisang buwan na rin mula nang magsimulang mag-date ang dalawa. Wala pang confirmation ngunit himdi na niya kailangan iyon. Siya pa lang ang may alam sa relasyon ng mga ito sa kanilang magkakapatid. Siya naman kasi ang madalas na nakakakita sa mga ito. Kaya nga hindi maiiwasan na magtanong siya kay Theo ng senaryo na kapag nagkabalikan ang mga ito. Kahit papaano kasi gusto niyang malaman nito ang mga nangyayari. Ngunit wala namang pakialam ang kapatid niya. Sarili lang nito ang iniisip.

"Ano ang mga 'to? Bakit may picture sila na nagki-kiss sa cheeks. Kasama ka pa sa unang picture." Komento ng mama niya.

"Nangyari 'yan kahapon, 'ma. Tiyak ko na na kalat na kalat at pinag-uusapan na 'yan sa school. Theo was making a big name because of that and so Austin."

"Kung ganoon hindi lang pala ikaw kundi pati sila. Ang saya lang. Magiging balae ko si Tere, hindi lang isa kundi dalawang beses pa." Masayang komento nito.

Inaasahan na niya iyon. Hindi man lang ito nae-eskandalo sa nakita. Cool na cool ang mama niya at gustong-gusto pa ang kaganapan. Masyado itong open sa mga pagbabago at sa mga posibilidad.

"Ang bilis naman ni Theo. Ikaw, kailan ka gagalaw? Tinutulungan ka naman ni Austin, hindi ba?"

Hindi niya maiwasan ang mapakamot sa batok sa tanong nito. Alam ng mama niya ang sitwasyon niya. Ang totoo ito pa ang nag-suggest na humingi siya ng tulong kay Austin para ilakad siya kay Ella. Yeah, he was secretly in love to Austin's sister.

Pero paano ba nalaman ng mama niya ang lihim niyang pagmamahal kay Ella? It was only by accident. Nataon kasi na nakita nito mula sa nagkalat niyang gamit ang picture ni Ella. Ang picture na matagal niyang itinago. Stolen lang iyon. Kuha ng classmate na pina-print lang niya para makita niya ng mabuti. Ang totoo, pati sa cellphone niya ay may picture siya ni Ella. Kapag may pagkakataon na nakikita niya ito ay pasimple niyang kinukuhanan ng picture. At ang malala ay araw-araw siyang pumupunta sa building ng college nito para lang makita. Ang lihim niyang pagsinta rito ay nag-umpisa noong first year college pa. Until now, he clearly remember the sweet smile that Ella gave to him. Tinulungan din siya nito sa pagpulot ng mga nagkalat niyang gamit noon dahil sa pagbanggaan nila. Ella's smile enchanted him. Para itong diyosa sa paningin niya. Ngunit ang pagsinta niya rito ay hanggang tingin lang dahil sa katorpehan niya. Yes. Torpe siya. Hindi siya katulad ni Theo na kung ano ang gusto ay talagang gagawin. Kabaliktaran siya ng kapatid kahit na sabihin pang tinitingala siya nito. Ang pagiging torpe niya ang bagay na hindi alam ni Theo. Ang alam nito ay magaling siya sa lahat ng bagay.

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon