CHAPTER SEVENTY-FOUR

502 26 68
                                    



CHAPTER SEVENTY-FOUR



NANINIBAGO si Austin. Kung kailan kasi huling araw ng seminar ay saka naman hindi nagpaparamdam sa kanya si Theo. Madaling araw pa lang, eksaktong alas tres ng umaga, pinadalhan na niya ito ng mensahe. Nagawa pa nga niyang tawagan ito ng ilang ulit pero wala itong naging tugon. Out of coverage pa na parang sinadya talagang patayin ang cellphone nito.

Sinadya pa naman niyang gumising nang maaga para talaga magkaroon ng oras para rito pero wala naman ang pinag-aaksayahan niya ng oras. Nagi-guilty rin kasi siya dahil hindi niya nasagot ang text messages at tawag nito kagabi. Tiyak niya rin na nag-aalala na ito sa kanya pero bakit hindi nito magawang sagutin at mukhang patay pa ang cellphone? Pakiramdam niya tuloy may mali siyang nagawa.

"Bakit mukha kang problemado?" Napatingin si Austin kay Vienne na kasabay niya sa mesa habang kumakain.

"Wala akong problema. Naninibago lang ako na walang natatanggap na text message kay Theo. Dati kasi halos oras-oras nagme-message siya, pero ngayon wala."

"Baka busy kaya hindi nakakapag-reply. Gusto mo bang tawagan ko si Brax para tingnan si Theo?" Alok nito.

Marahan siyang umiling. "Huwag na. Baka busy kaya ganoon. Hihintayin ko na lang na mag-text siya."

"Hindi ka ba niya susunduin dito mamaya?" Tanong nito.

"Hindi." Matamlay niyang sagot.

"Sayang naman. Susunduin kasi ako ni Brax mamaya. Numero uno pa talaga siya sa pagsabing gagawin niya iyon. Sigurista masyado na makakauwi ako nang mabuti."

Hindi naman dapat pero nakadama ng inggit si Austin kay Vienne. Alam niyang nagshe-share lang ito ng happenings sa buhay nito at hindi para inggitin siya. Makikita kasi sa mukha nito ang excitement na muling makikita ang boyfried nito. Saksi siya sa ups and downs ng relasyon nito kay Brax at masaya siya na masaya ito sa piling ng taong mahal. Matagal na rin ang relasyon ng dalawa. Mas matagal pa sa relasyon nila ni Theo. Masasabi nga niya na ideal ang relasyon ng dalawa.

"'Buti ka pa."

Nawala ang ngiti sa labi ni Vienne. Biglang naalarma. "Pasensya ka na, Austin." Paumanhin nito.

"Hindi mo kailangang humingi ng pasensya."

"Kung gusto mo tatawagan ko na si Brax para tingnan si Theo." Muling suhestiyon nito.
Hindi na siya tumanggi. Tiningnan niya lang ito habang nakikipag-usap sa kasintahan nito sa cellphone.

"Anong sabi?" Usisa niya.

"Hindi niya raw nakita si Theo. Pero iti-text niya raw."

"Ganoon ba. Hayaan mo na lang. Pakitext na  lang si Brax na huwag nang mag-abala. Magte-text naman siguro siya sa akin."

"Baka kaya hindi nagte-text kasi isu-surprise ka mamaya. Baka sunduin ka." Hopeful na sabi nito na ngiti lang iginanti niya. Nag-usap pa sila ni Vienne tungkol sa topic nila sa seminar saka nagpaalam dito na pupunta siya sa banyo.

Eksaktong papasok siya ng comfort room nang makasalubong si Lace. Nagulat siya ng makita ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"May pinuntahan lang."

"Ganoon ba." Maiksi niyang sagot.

"Ikaw ba?"

"Lunch break namin sa seminar. Free time kaya pwedeng mag-CR break."

"Ah, I see. Kailan ka uuwi? Gusto mo bang sumabay sa akin?"

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon