CHAPTER ELEVEN

761 37 72
                                    

AUTHOR'S NOTE

The truth is I'm a little bit hesitant about this chapter. Naiisip ko kasi na maraming technicalities na dapat isaalang-alang. Kahit papaano may napagtanungan naman ako kaso kulang pa rin. Nagbabasa rin ako sa Google pero kulang pa rin at hindi akma sa hinahanap ko ang mga lumilitaw. Tapos darating pa sa point na nakakatamad. Aaminin ko rin na may katamaran ako sa pagre-research. Kaya naman kapag boring na ang binabasa tumitigil na ako.

Kaya naman, sa mga mambabasa. Pasensya na po sa teknikalidad ng istorya na ito. Pasensya na talaga ng bongga. Sana ma-enjoy niyo rin ito.

PS: Ang word count pala nito ay sadyang napakaiksi. Isang POV lang, eh. Ulit, pasensya na. 😊😊




CHAPTER ELEVEN



PAGKATAPOS ng nangyari sa gabing iyon na tatlong araw na rin ang nakakaraan, hindi na muling nagtagpo ang landas ni Austin at Theo. Naging abala na sila sa kanya-kanyang gawain pero pasalamat na rin si Austin na hindi na niya ito nakikita. Sa kabila kasi ng nangyari nang ihatid siya nito, kahit na nag-ngitian sila, alam niya sa sarili na hindi pa rin maituturing na magkaibigan na sila. They still hate each other and he don't have any plan of changing it. Befriending someone who is exact opposite to him will just create confusion. Clashing to each other is inevitable. Idagdag pa na hindi nila talaga gusto ang isa't-isa.

Malinaw pa rin na naaalala niya ang reaksyon ng ina nang makita siya nito kasama si Theo. Ang plano ni Theo na ihatid lang siya at umuwi kaagad ay hindi nangyari dahil sa magiliw na pagtanggap dito ng mama niya bilang panauhin. That was the first time that his mother was like that. Mukhang gustong-gusto nito si Theo na nakapagtataka naman. Nang tanungin naman niya ito ang tanging sagot lang nito sa kanya ay pinapaalala ni Theo rito ang kabataan nito. May pagkakahawig daw kasi ang lalaki sa ina nito. Hindo niya alam ang ibang detalye ng pakikipag-usap nito kay Tita Sharmaine pero base sa aliwalas ng mukha nito parang naging good iyon.

But seriously, inaasahan niya na galit ang reaksyon ng mama niya dahil hindi siya tumupad sa usapan nila na babalik siya kaagad. His mother was strict to her rules. Hindi dapat iyon mabali or else ay makakatikim sila ng parusa. Naiisip na lang niya na kaya naging ganoon ang outcome dahil na rin sa Tita Sharmaine niya. Nakaligtas siya sa nakaambang parusa.

Parusa. Napangiti siya sa salitang iyon. Ilang beses na rin siyang naparusahan ng mama niya dahil sa kabalastugan niya. Pero ang parusa nito ay hindi iyong kadalasan. His mother will make sure that they will not repeat doing bad things. Pinapalinis lang naman sila nito ng buong bahay. Mula sa kisame hanggang sa sahig. Mula sa dingding hanggang sa kasulok-sulukan ng bahay. Hindi pwedeng hindi nila gawin iyon dahil mas madadagdagan pa. At ang dagdag na iyon ay ang pagwawalis sa bakuran, front and back. Mag-aalis din ng damo. As a child it was a burden to them. Nakakatamad gawin iyon. Imbes na maglaro, paglilinis ang inaatupag. At dahil may mga kapatid, hindi maiiwasan ang mga pang-aasar ng mga ito. Iyong nalinisan mo na tapos babalikan mo madumi na. Pero ngayon na college na siya at kaya na niyang gumawa ng mabibigat na gawain wala ng kaso iyon sa kanya.

Aaminin ni Austin na sa kanilang magkakapatid siya ang pinakapasaway. Siya rin ang madalas na nai-involve sa gulo. Palaging napapatawag noon ang mama niya sa school. But everything change when his mother cried infront of him. Natatandaan pa niya ang sinabi nito habang umiiyak.

"Pagod na pagod na ako, anak, sa maghapon na trabaho. Alam mo naman na mag-isa lang ako at apat kayong binubuhay ko. 'Wag mo naman akong pahirapan ng ganito. Alam ko na bata ka pa pero sana naman maging considerate ka kahit papaano."

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon