CHAPTER TWENTY-NINE

671 31 170
                                    

AUTHOR'S NOTE

This chapter was just like a memaso or may maisulat lang. Hhahaha... pauso lang ang peg ko. Sa tingin ko kasi parang kulang ito sa urggghhh. Parang walang push at walang pwersa. Ewan but I'm back on the zone where I'm always think that every chapters I wrote was lacking something. Kahit sa ibang story ko na nauna rito ay ganoon din ako lalo na sa SftH 2 at Devin's Heart. Iyong feeling na parang gusto kong huminto pansamantala at mag-umpisa ng bagong story. Pero siyempre ayoko naman. Kaya guys, I think I need some more time. Kailangan kung makabalik para hindi naman parang ewan ang mga chapter ko. Hahahah

Pagpasensyahan niyo na lang po muna ang chapter na ito. Talagang memaso para sa akin. Hindi ko lang alam sa inyo kung ganoon din ba ang magiging tingin niyo.

Just enjoy guys. I do hope so.

PS: If you read, Beat of my Heart then I guess you would be familiar with the new and old character here.

CHAPTER TWENTY-NINE

NAPAKUNOT ang noo ni Austin nang makita ang isang pirasong papel sa ibabaw ng desk niya. Kinuha niya iyon para tingnan kung ano ang nakasulat.Nanggaling iyon sa secret admirer niya. It was a short message saying goodluck for the pictorial that will take place later in their department building. Ngayong araw kasi gaganapin ang pictorial nila habang suot ang respective uniform ng rini-represent na department.

Nagpunta lang siya sa room para sana kausapin si Kelly tungkol sana sa pagpapahiram nito ng notes sa kanya sa isang subject nila pero nagkataon naman na wala pa ito pati ang mga classmate nila. Hindi naman nakapagtataka dahil alas siyete y media pa lang ng umaga. Alas otso pa kasi ang simula ng unang subject nila. Nagbabakasakali lang talaga siya na baka nandito na si Kelly dahil kadalasan naman ay maaga itong pumapasok.

Napatingin si Austin sa harapan ng marinig ang mga yabag ng paa. Nakita niya si Orion Salcedo o Rion na pumasok sa room nila. Nakasuot ito ng itim na hooded jacket at naka-jersey short. May dala rin itong duffel bag. Mukhang may practice ito sa basketball. Varsity player si Rion, classmate niya ito ngunit madalas ay nasa practice dahil na rin sa intramurals na ginaganap sa kanilang school.

"Hey, Austin. Nandito ka pala." Bati nito at lumapit sa kanyang pwesto. "Ano 'yan?" Usisa nito na ang tinutukoy ang hawak niyang papel.

"A goodluck message for the pictorial later."

"Ganoon ba. Pabasa nga," anito sabay kuha sa kanya ng papel.

Hinayaan na lang niya ito.

"Aalis na ako. Baka hanapin na ako sa meeting room. May sasabihin daw kasi ang organizer sa pageant." Paalam niya rito.

"Mamaya ka na umalis. 'Usap muna tayo. Ilang araw akong wala dito sa room. Baka may mga pangyayaring interesting."

"Wala naman yata. Hindi ko lang alam. Pareho lang naman kasi tayo na wala rito. Busy din ako para sa pageant."

"Ganoon ba. Sayang naman. Akala ko kasi may time ka pa na para pumasok sa mga subjects natin. Manghihiram na rin sana ako ng mga notes."

"Manghihiram ka rin ng notes?" Gagad niya. "Pareho lang naman pala tayo. Pumunta ako rito para sana manghiram kay Kelly."

"Sayang kung ganoon. So, kumusta naman ang pageant? First timer ka dyan, hindi ba? Nakakaya mo ba naman ang pressure."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Kaya naman. Pressured lang naman ako dahil sa mga expectation pero maganda ang mga nangyayari. I love the experience."

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon