CHAPTER FIFTY-FIVE

451 23 5
                                    

AUTHOR'S NOTE

Sa mga readers na patuloy na naghihintay ng update ng story na ito, MARAMI pong SALAMAT. Sana huwag kayong magsawa kahit na ako ang nagkukulang sa tagal ng updates.

Sana po ay mag-enjoy kayo sa pagbabasa nito.

Muli, salamat.


CHAPTER FIFTY-FIVE




KAPANSIN-PANSIN para kay Theo ang mga naging pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Austin. Ilang araw na rin ang nakakaraan mula nang malaman niya ang totoong pakay nito sa pakikipaglapit sa kanya. Kung hindi niya lang alam ang totoo baka nagkandarapa na siya sa pag-appreciate ng mga simpleng bagay na ginagawa nito sa araw-araw.

Well, the truth was, he is a little appreciative on what Austin was doing. Alagang-alaga siya nito. Araw-araw laging may pagkain na nakahanda sa kanilang mesa. Breakfast, lunch and dinner. Lagi rin silang nagsasabay nito. Makwento na rin ito at laging unang nagbubukas ng kwentuhan sa pagitan nila. Ang mas kapansin-pansin pa ay ang pagiging malapit nito sa kanya palagi. Dati naman kasi lagi itong umiiwas sa kanya at parang ayaw na ayaw madikit sa kanya.

Alam namam niya ang dahilan ng lahat ng iyon kaya nakikisakay na lang siya. Kung marunong itong umarte lalo naman siya. Hinding-hindi siya magpapagapi sa isang tulad nito. Oo, inaamin naman niya sa sarili na may nararamdaman pa rin siya para rito. Hindi iyon madaling mawala kaya matinding pagpipigil ang ginagawa niya. He's also reminding his self everyday about the things that he heard from Kelly. Pasalamat na lang talaga siya at sa tamang pagkakataon at oras siya nang makipag-usap si Kelly.

Napatingin si Theo sa kanyang cellphone nang marinig ang pagtunog niyon, hudyat na may nagpadala ng mensahe sa kanya.

Tiningnan niya ang aparato. Ang mama niya ang nag-text sa kanya. It was a simple message asking if how he was everyday. Kung sasagutin niya ito ng totoo, tiyak niyang masasabi na hindi siya nasa maayos na kalagayan dahol sa taong tinatangi ng puso niya at sa paglilihim ng mga magulang sa kanya lalo na ang mama niya. Pinigilan niya lang ang sarili na manumbat dahil alam naman niya na makakaabot kay Austin kung gagawin niya iyon. Siyempre, kapag nalaman nito hindi na rin niya maitutuloy ang balak na pagpapaikot dito. May dumating pang isang mensahe na galing din sa mama niya, sinasabi kung pwede itong dumalaw sa kanya o kaya kumain sila sa labas. Hindi na siya nag-abalang sagutin ang text. Bahala na ito sa buhay nito tutal naman ginagawa naman nito ang gusto nito kahit na masaktan pa ang sariling anak.

Basta na lang niyang itinapon sa higaan ang cellphone saka siya humiga at ipinikit ang mata. Hindi pa siya nagtatagal sa pagpikit nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan na naging dahilan para dumilat siya. Agad niyang nakita si Austin. Nakatayo ito sa may pintuan. May apologetic na ngiti sa labi.

"Sorry, pumasok na ako para yayain ka sanang kumain."

Pinigilan niya ang mapaismid sa sinabi nito. Matagal ka nang nanghimasok kaya hindi mo na kailangan pang humingi ng sorry. Pakialamero ka, eh. Gusto sana niyang sabihin iyon pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip, bumangon siya. "Sige. Susunod na lang ako."

"Okay," anito saka lumabas.

Hindi siya basta lumabas ng kwarto. Nag-isip siya ng bagay na pwede niyang gawin para bwisitin si Austin. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. He was wearing a loose shirt paired with a khaki short. Ang pang-ilalim naman niya ay pulang boxer short.

Napangisi siya ng maisip ang pwedeng gawin. Isa-isa niyang hinubad ang damit, leaving only his red boxer short. He still remember how Austin hated seeing him naked. Then now, his plan was to flaunt his body until Austin shows his true colors. Titingnan niya kung hanggang kailan ang pasensya nito.

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon