CHAPTER THIRTY-THREEHALATA ang biglang pagbabago sa mood ni Theo pagkatapos ng naging pag-uusap nilang dalawa. At dahil doon hindi maiwasan ni Austin ang ma-guilty. Bigla itong naging tahimik. Hindi nga tumabi sa kanya kanina nang sumakay sila sa jeep. Wala itong kinakausap sa mga kasama nila. At ngayon na nakarating na sila sa mall at kasalukuyang nasa foodcourt. Hindi ito nakisalo sa kanila sa isang mesa. Mas pinili nito na mag-isa na hindi maiiwasan na mapuna ng mga kasama nila.
"Bakit hindi siya naki-share sa atin?" Usisa ng isang classmate niya na agad na sinundan ng iba.
"Hala ka, Austin. Anong ginawa mo kay Theo? Kanina ang daldal niya habang kausap ka." Ani naman ng isa.
"Hayaan niyo na siya. Gusto lang naman niya na mag-isa." Sabi naman ni Kelly na sinang-ayunan ni Rion.
Magkaibang sides ang mga ito na hindi niya alam kung bakit. Alam niya ang rason ni Rion pero kay Kelly... Hindi naman kasi siya kinakausap ni Kelly. Kanina excited itong makita at makausap si Theo pero bigla na lang nag-iba.
"Samahan mo na kaya siya doon. Tingnan mo parang loner."
"Oo nga. Samahan mo. Kayo naman talaga ang magkakilala. Dapat i-entertain mo siya para sumama ulit sa atin. Ang gwapo niya para mag-isa. Kung may lakas lang ako ng loob baka kanina ko pa siya pinuntahan at naki-share sa kanya."
"Sige. Wait lang. Pupuntahan ko siya."
"You don't need to do that, Austin. He chose to sit there. Hindi na natin kasalanan iyon."
"Tama si Rion. Pinili niya 'yon kaya dapat panindigan niya." Agad na sang-ayon ni Kelly."
"Grabe kayo sa kanya. Lapitan mo siya, Austin. Doon ka na lang tutal masikip na tayo rito."
"Oo. Tama." Sang-ayon ng iba.
May punto naman ang classmate niya dahil sobra na sila sa pwesto nila. Walo silang magkakasama at masikip na. Hindi na sila masyadong nakakagalaw dahil nagkataon na marami ang kumakain. Bilib nga siya kay Theo na nakahanap ito ng sarili nitong pwesto.
He was torn between the two opposing sides but deep inside him he wanted to go to Theo and talk to him about his actions just now. Parang dinamdam kasi talaga nito ang pinag-usapan nila at naapektuhan siya doon.
"Tama sila, Rion, Kelly. Ako lang ang kilala niya rito kaya dapat ko siyang i-entertain." Aniya sa dalawa saka tumayo dala ang pagkain niya.
"BAKIT ka nandito?" Agad na tanong ni Theo kay Austin nang ilapag nito ang pagkain sa kanyang mesa at umupo sa upuan na nasa kabilang panig niya.
"Para samahan ka." Tipid nitong sagot.
"Para samahan?" Palatak niya. "I don't need company. Doon ka na lang sa kanila tutal ayaw mo naman ang mga ginagawa ko."
"Nagtatampo ka ba sa mga sinabi ko sa 'yo kanina?"
"Kung oo ang sagot ko ano ang gagawin mo?" Balik-tanong niya rito.
Hindi nakapag-salita si Austin na tila hindi inaasahan ang tanong niya.
"Sa reaksyon mo na 'yan, tiyak ko na wala ka namang gagawin. Nakakasakit ka lang ng loob. Ayaw mo ng mga ginagawa ko. Masama bang gustuhin na akin lang ang atensyon mo?"
Again, hindi makasagot si Austin. Tiningnan lang siya nito.
"Pwede naman tayong maging malapit pero katulad ng sinabi ko sa 'yo hindi mo naman pwedeng ariin ako na parang ikaw lang ang kaibigan ko. May sarili akong buhay. Stop being possessive."
![](https://img.wattpad.com/cover/146588266-288-k673858.jpg)
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
RomanceA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...