CHAPTER FIFTY-FOUR
"ANO 'YUNG pa-effect mo kanina? Bakit bigla-bigla hindi ka namamansin?"
Hindi na nakapagtataka na magtanong sa kanya si Kelly. Pero mabuti na lang at pinaabot nito ng uwian bago ito magtanong sa kanya. Hindi kasi nito nakita ang nangyari kanina na tiyempo sa pag-alis nito para magpaload. Bago pa nito maulit ang tanong sinagot na niya ito kaagad.
"Bakit niya ginawa 'yon? Ano bang trip ni Rion?" Eksaheradang tanong nito.
"Hindi ko rin alam. N'ung unang umamin naman siya sinagot ko na siya na wala siyang aasahan sa akin pero sadyang makulit. Mabilis ang mga nangyari kaya hindi ko na siya napigilan." Problemadong sabi niya.
Ngumisi si Kelly. "Talo mo pa ako sa haba ng buhok, Austin. Sobra kang namomroblema sa ginawa ni Rion hindi ka naman commited."
Frustrated siyang napahinga sa sinabi nito. "Namomroblema talaga ako," pag-amin niya. "Alam mo 'yong pakiramdam na parang nagloloko ka sa isang relasyon? Nakakatawa lang na wala naman akong relasyon kay Theo pero feeling ko niloloko ko siya, na nagtaksil ako sa kanya, dahil sa nangyari."
"Alam mo 'yong sinasabi nila na hulog na hulog ka na?" Tanong nito. May nakakalokong ngiti sa labi.
"Oo. Bakit? Anong meron doon?"
Tumawa ito. "Matalino kang masasabi pero slow ka, Austin. Iyong kasabihan na iyon super applied sa 'yo. Hulog na hulog ka na kasi kay Theo kaya ganyan ang feeling mo. 'Wag kang dense, kuya, kasi alam ko na iyon din ang nararamdaman at naiisip mo."
Hindi na siya tumanggi sa sinabi nito. Tama naman kasi ito. Naisip na niya iyon at ilang ulit na rin. Pero ewan ba niya at minsan ay para siyang ewan. Siguro ganoon yata talaga kapag nagmamahal ka. Iyong tipo na minsan nabobobo ay nagiging tanga ka. Malala na talaga siya.
"So, now, ano na ang plano mo?"
"Wala akong plano."
"Bakit?"
"Dahil wala naman akong dapat gawin para sa aming dalawa ni Theo."
"You two kissed this morning remember?"
Tumango siya. "Oo." Nasabi na niya rito kaning umaga ang tungkol sa halik na namagitan sa kanila ni Theo. Katulad ng tanong nito kanina na hindi na nakapagtataka, pareho lang din ng tanong nito ngayon sa kanya.
"'Di dapat may gawin ka. Usually kasi, sa akin lang 'to, ah, kapag naghahalikan ang dalawang tao ibig sabihin lang n'un may nararamdaman kayong pareho sa isa't-isa. Pheromones talking ang peg."
Napailing na lang siya sa sinabi nito. "May nalalaman kang ganyan."
"Naman! Siguro sa sobrang pagpipigil niyo ng feelings sa isa't-isa lumabas na lang naturally kaya iyon ang nangyari. Dahan-dahan naglalapit ang mukha na nag-umpisa lang sa tinginan tapos hindi niyo namalayan na naghahalikan na kayong dalawa."
"You sounded like you do it many times."
Sa sinabi niya biglang namula ang pisngi nito. "Oo. Aaminin ko na nagkiss na kami ni Froilan. Ilang ulit na rin at heaven ang feeling. Alam mo 'yong pakiramdam na para kang dinuduyan sa mabining simoy ng hangin?"
"Hindi ko alam." Sagot niya para idismiss na ang usapan nila. Pero hindi nagpapigil si Kelly.
"Maniwala ako sa 'yo. Alam ko na may naramdaman ka rin na kakaiba. 'Wag kang ano dyan. Hindi ka naman magre-react ng ganoon sa ginawa ni Rion kung hindi ka apektado sa kiss niyong dalawa ni Theo."
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
RomanceA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...