CHAPTER SEVENTY-SEVEN

467 34 60
                                    


CHAPTER SEVENTY-SEVEN


LIMANG araw ang mabilis na lumipas. Nakalabas na siya ng ospital noong nakaraan ngunit hindi pa rin niya nakikita si Theo. Hindi siya pinayagan ng kanyang ina at mga kapatid na tumuloy sa apartment nila. Inuwi siya ng mga ito sa bahay nila. Ginwardyahan ng mga ito na parang bilanggo. Ang Kuya Ashe niya talaga ang pinakamahigpit. Hindi siya nito basta-basta iniiwanan.  Kapag may pasok  hinahatid siya nito sa classroom at kapag uwian ay agad siyang sinusundo at hinahatid sa karinderya. Kapag nasa karinderya na, hindi naman niya magawang tumulong dahil palaging occupied ang isip niya sa taong mahal. Matindi ang hangarin niya na makita si Theo. Hindi siya makatagal at mapakali na hindi ito makita.

Pakiramdam ni Austin bilanggo siya. Bantay-sarado kasi siya ng mga ito. Hindi rin binibigay sa kanya ng ina ang cellphone niya. Kahit magmakaawa siya rito, nanatili itong matigas.

Kailangan niyang sumunod kahit ayaw niya. Ang dapat niyang gawin para mapunta siya sa good sides ng mga ito ay ang huwag pairalin ang tigas ng ulo. Dapat niyang ipakita sa mga ito na hindi na niya iniisip at hinahanap si Theo. Na siyang hindi naman nangyayari dahil hindi siya nilulubayan ng mga alaala kasama ang lalaki.

Mula sa pag-iisip, napatingin si Austin sa kuya niya.

"Bilisan mo na riyan, Austin. Maaga pa pasok ko. Isasabay na kita."

Katulad ng dati sa mga nakaraang araw, naghahanda na ang kapatid para ihatid siya. Ang kaibahan lang ngayon ay may pagbabago sa oras ng klase nito.

"Bilisan mo maligo, ah. Huwag kang tatamlay-tamlay," dagdag pa nito na hindi niya pinansin. Nagpatuloy siya sa pagkain.

"Uy," untag pa nito bago lumabas ng dining area.

Sa totoo lang wala siyang ganang pumasok. Minsan naiisip niya na wala na siyang dahilan pang magpatuloy dahil wala sa tabi niya ang taong minamahal. But of course, he still needs to go on. He was motivating himself. At ang una na sa pagmo-motibasyon na iyon ay ang makikita niya ulit si Theo. Hindi man iyon agaran, alam niya na darating siya sa ganoon na punto. Kailangan niya nga lang maghanap ng tamang pagkakataon.

Nakukunsuming nagsalita ang kuya niya nang bumalik sa dining area. Hindi na siya nagtaka dahil nadatnan nito na halos katatapos pa lang niya sa pagkain.

"Ano ba naman 'yan, Austin. Pinapamadali kita pero mas lalo kag bumabagal. Nakapag-tootbrush at nakabihis na ako pero ikaw," napailing pa ito. "Ewan ko sa'yo. Alam kong malungkot ka dahil sa nangyari sa 'yo pero huwag mo naman dibdibin masyado. Pinapabayaan mo na ang sarili mo. Tandaan mo na hindi siya ang mundo mo. Hindi sa kanya umiikot ang buhay mo."

"Tigilan mo ang panenermon sa 'kin, kuya." Naiirita niyang sabi.

Nanlalaki ang mata at natitigilan na napatingin ito sa kanya. "Talagang sinasaway mo ang panenermon ko, huh. Kung ayaw mong masermunan, gumawa ka ng tama. At tama naman ang sinasabi ko. Talaga namang pinapabayaan mo ang sarili mo. Kailan ka kaya maliliwanagan dyan sa pagmamahal mo sa walanghiyang Theo na 'yan."

"Hindi walanghiya si Theo." Pagtatanggol niya sa kasintahan.

"Eh, ano pala? Sige nga. Sabihin mo sa 'kin kung ano ang dapat kong itawag sa kanya." Hamon nito. "Ah, hindi pala sapat ang walanghiya na adjective sa Theo na 'yon. Kulang pa 'yon. Manloloko. Two-timer. Gago. Lahat ng negative na salita pwede nang itawag sa kanya."

Mariin niyang naikuyom ang kamao. Tiningnan niya ng masama ang kapatid. "Tumigil ka na!! Wala kang karapatan na tawagin ng masasamang bagay si Theo!" Sigaw niya saka padabog na tumayo sa

Lumarawan ang galit sa mukha ni Ashe. "Talaga bang magpapakatanga ka dahil sa kanya?! Matalino kang tao! Huwag mong sayangin ang katalinuhan mo sa gagong lalaking 'yon!"

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon