CHAPTER SEVENTY-EIGHT"MAGSABI ka nga sa 'kin ng totoo. May problema ba kayo sa bahay? May problema ka ba? N'ung isang araw ko pa napansin na hatid-sundo ka ng kuya mo. Hindi ko rin nakikita na umaaligid sa 'yo si Theo. May problema rin ba kayo??"
Hindi pinansin ni Austin ang mga tanong at puna ni Kelly sa sitwasyon niya. Nagkunwari siyang walang narinig at pinagpatuloy ang ginagawa.
Mula nang mangyari ang lahat sa pagitan nila ni Theo at sa pagtrato sa kanya ng pamilya, hindi pa siya nakakapagkwento sa kaibigan. Iniiwasan niya iyon sa totoo lang dahil hindi niya alam kung paano iyon sisimulan. Nakakadama rin siya ng hiya dahil naaalala niya ang naging usapan nilang dalawa noon sa bus patungo sa seminar. Ibang-iba kasi ang ginagawa niya sa mga sinabi niya rito noon. Kilala pa naman niya ito na maloko at baka asarin lang siya ng todo. Sa harap nito parang wala siyang problemang kinakaharap.
Pero minsan iniisip niya na baka pwede siyang mag-confide rito at baka pwede siya nitong tulungan sa suliranin niya. Baka ito na rin kasi ang maging susi para makatakas siya sa pagbabantay ng kapatid. Pero sa ngayon hindi niya muna iniisip iyon dahil kung close ito sa kanya, siyempre ganoon din sa pamilya niya.
"Wow! Dedma talaga ang potek. Parang walang narinig. Sige. Kung ayaw mong sabihin, may paraan pa naman akong iba. Akala mo lang."
"Wala akong sasabihin sa 'yo."
"Sige. Madali akong kausap. Pero ito na lang ang sagutin mo. Bakit bad mood ang kuya mo kaninang ihatid ka?"
Natigilan siya sa sinabi nito. Minsan gusto na niyang maasar sa pagiging observant nito. Lahat na lang ng bagay napapansin.
"May nangyari lang sa bahay," maiksi niyang sagot.
"Ano naman?" Curious nitong tanong.
Napabuntung-hininga siya kasabay ng pag-alala sa nangyari kanina. Pagkatapos nilang magsagutan ng kuya niya halata ang pagkayamot nito sa kanya. Magkasama nga sila pero hindi siya nito kinikibo na wala namang kaso sa kanya. Kung yamot ito, siya naman ay galit ang nadarama.
"Huwag mo nang itanong. Confidential iyon."
"May nalalaman ka pang ganyan." Komento nito.
Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila na nahinto ng huminga ng malalim si Kelly.
"Ang lalim naman n'on."
"Bigla ko lang kasing naalala si Froilan." Bigla siyang na-curious sa sinabi nito ngunit hindi siya umimik. Simula nang magkwento ito sa kanya ay hindi na nito na-open ang tungkol sa dating kasintahan nito. "In good terms na kami. Nagawa ko na siyang patawarin dahil mahal ko pa naman siya pero mahirap kalimutan ang nagawa niya. Alam mo tama talaga 'yong kasabihan na 'you can forgive but you can't forget.' Pwede kong i-apply iyon sa sarili ko."
"Na-nakipagbalikan ka ba sa kanya?" Tanong niya.
Marahas itong umiling. "Hindi na. Ayoko na. I have taken your advice."
Gusto niyang mapapikit ng mariin sa sinabi nito. Nakakatawa na nasabi niya iyon noon pero ibang-iba ang sitwasyon niya ngayon. Hindi dapat nagsasalita ang isang tao ng mga bagay lalo na kung hindi pa nararanasan.
"Uy, hindi ka na nakapagsalita dyan. Wala bang congratulations dyan?" Anito. May pagbibiro sa tono na hindi niya sinakyan. Bigla itong sumeryoso. "Sabihin mo na sa 'kin ang problema mo. Hindi kita matutulungan at mabibigyan ng advice sa pinagdadaanan mo kung hindi ka magsasalita."
"Na-nahihiya ako sa 'yo," sabi niya. Alam niyang mahina ang boses niya sa pagbikas niyon ngunit narinig pa rin nito ng malinaw.
"Bakit ka nahihiya?"
![](https://img.wattpad.com/cover/146588266-288-k673858.jpg)
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
RomanceA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...