CHAPTER SEVENTY-ONE

435 25 17
                                    

CHAPTER SEVENTY-ONE

MULA nang magkaroon sila ng relasyon, ito ang unang pagkakataon na mahihiwalay sila sa isa't-isa. Since day one they were inseparable. Hindi iyon maiiwasan dahil pareho sila ng university na pinapusakan pati sa trabaho. Isipin pa lang ni Austin na malalayo siya kay Theo ay nalulungkot na siya. Kagabi nga na hindi siya umuwi, kahit na may tampo siya rito ay nami-miss niya ito, ang tatlong araw pa kaya na mawawala siya sa piling nito. Pero kailangan iyon para sa kinabukasan niya. Isa pa, gusto niya ring bumawi sa mama niya. Ayaw niyang bigyan pa ito ng sama ng loob.

"Bakit ka pala nagpalit ng bedsheet, Theo?" Out of the blue na tanong niya sa kasintahan. Nang hindi ito sumagot, tiningala niya ito. Nakapatong kasi ang ulo niya sa dibdib nito. Both of them were lying on the bed and busy hugging each other. After telling him his soon out of town, both of them decided to cuddle which is always happening but they never get tired of it.

"Trip ko lang." Pantay na sagot nito pagkatapos ng mahabang sandali.

"Sinipag ka ba?" Muli niyang tanong.

"Oo. Wala ka kasi sa tabi ko saka mabaho na rin para sa akin kaya pinalitan ko na." Sagot nito na hindi makatingin sa kanya.

"Mabuti naman at productive ka kahit na magkagalit tayo," biro niya.

"Hindi ako galit sa 'yo. Ikaw lang. Pero naiintindihan ko naman kaya nagsisisi ako."

"Huwag na nating pag-usapan," he said. "Magkabati na tayo at settled na ang matter."

"Yeah. I-enjoy natin ang oras na 'to. Maliban ba dito wala kang balak gawin sa akin?" Nakangisi nitong tanong.

Sa halip na sagutin, kinurot niya ang kanang nipple nito. Napaigik ito sa ginawa niya.

"Masakit 'yon, ah."

"Masyado ka kasing malibog."

"Parang ikaw hindi," ganti nito.

"Ang gago mo."

"Mahal mo naman ako kahit na ganito ako, hindi ba?"

"Oo naman. Mahal kita."

"Mahal din kita."

Mas hinigpitan nito ang pagyakap sa kanya na ginantihan naman niya. "Tulungan mo na lang akong ayusin ang dadalhin ko na gamit para sa seminar."

"Gladly. Umpisahan na natin."

Iyon nga ang ginawa nila. Magkatulong na inayos nila ang mga dadalhin niyang gamit sa tatlong araw na seminar. Habang ginagawa nila iyon hindi maiiwasan ang harutan. Pero enjoy na enjoy si Austin sa simpleng moment na iyon. Simple thing was the most memorable treasure to keep.

Pagkatapos nilang ayusin ang mga dadalhin niya magkatulong din silang naghanda ng pagkain nilang dalawa. Natigil lang iyon ng tumunog ang cellphone ni Theo.

"Sino 'yan?" Tanong niya ng matigilan ito.

"Si Sophia." Tipid nitong sagot.

"Ba't hindi mo sagutin? Baka importante 'yan. Baka tungkol sa trabaho."

"Siguro nga. Pero makapaghihintay naman 'yan. Mamaya ko na sasagutin, pagkatapos natin kumain."

"Ikaw ang bahala." Kibit-balikat na sabi niya.

Ipinagpatuloy nila ang ginagawa. Sa durasyon na iyon ay walang tigil ang pagtunog ng cellphone ni Theo. Mukhang hindi na talaga makapaghintay ang caller kaya hindi na siya nakatiis.

"Sagutin mo na 'yan, Theo. Baka urgent 'yan. Kanina pa tawag nang tawag sa 'yo si Sophia." Udyok niya rito. Walang kaso sa kanya kung tumatawag si Sophia rito as long as tungkol sa trabaho iyon. May tiwala siya kay Theo. Alam niyang hindi ito gagawa ng bagay na ikasasama ng loob niya. Ang kuryusidad niya dahil sa paninigaw ni Theo sa kanya noon ay unti-unti na ring nawala. Ayaw na niyang pahabain at palawakin pa ang nangyari lalo na kung magkakaroon na naman ng gusot sa pagitan nila. Ayaw na niyang mangyari iyon.

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon