Chapter 5 *I Miss You*

126 7 21
                                    

Tuloy ang pagkanta ng Lucky Cards.
Tuloy rin ang mga rehearsals namin.
Kahit papaano ay umaangat naman ang aming ranking.

Sinubukan ko magsulat ng bagong kanta, pero hindi ko matapos-tapos.
Ewan ko ba.
Parang walang pumapasok na nota o letra sa utak ko.

"Daren, ayos ka lang ba?" tanong ni Elton pagkatapos ng rehearsal namin.

Siya ang assigned trainor namin.
Isa siyang matangkad na lalaki na kulot ang mahabang buhok.

"Kailan ba ko hindi naging okey?" sagot ko sa kanya.

Ngumiti si Elton, sabay tapik sa balikat ko.

"Sige, magpahinga na kayo. Bukas na uli tayo mag-rehearse," sabi ni Elton.

Okey!" bulalas nina Yuan at Z. Nag-inat pa sila ng mga kamay bago nagpunta sa locker.
Nakalagay lamanh ang locker malapit sa pinto nitong kuwarto namin.

Nag-ayos na agad ng gamit ang mga kasamahan ko.
Ganoon din naman si Elton. Paalis na siya nang mapansin ko na lumapit ito kay Percy at may ibinulong, bago umalis.

Nilapitan ko si Percy.

"Anong sinabi niya?" tanong ko.

"Ang sabi niya, kukustahin daw kita."

"Ha?" Napakunot ako ng noo.

"Daren. Sigurado ka bang okey ka lang talaga?"

Napakapit ako sa ulo ko.
"Kasasabi ko lang na okey lang ako, di ba?"

"Oo, pero para kasing kakaiba ka ngayon. Parang kulang ka sa energy," dagdag pa ni Percy.

"May kinalaman ba rito ang pag-quit ni Kim? Kayo pa rin ba?" biglang sumingit si Yuan.

Dito ko na napansin na nakatuon na pala sa akin ang mga kagrupo ko.
Napakamot tuloy ako ng ulo.
"Ano bang sinasabi n'yo?  Ako, walang energy?"

"Ayos lang naman ang pagsayaw mo kanina, para lang nabawasan kumpara sa natural mong galaw," sabi ni Z.

Napabuga ako ng hangin bago binuksan ang locker ko.
"Pagod lang ako," sabi ko na lang.

"Eh, si Kim?" Si Jao naman ang bumanggit dito.

Hindi ko alam kung dapat ko pang sabihin, pero dahil nagtatanong sila, sige. Sasabihin ko na.

"Break na kami."

Biglang nagkatinginan ang mga kasama ko.

Muli akong tumingin sa kanya. "Hindi naman siguro iyon nakapagtataka. Gaya ng sinabi ni Jao." Sinulyapan ko si Jao. "Hindi naman iyon totoo."

"Ikaw ba ang nakipagbreak sa kanya?" tanong ni Yuan.

"Kawawa naman si Kim," sabi ni Percy.

"Siya ang nakipagbreak sa akin!" giit ko.

"Eh di wala na tayong libreng pagkain ngayon?" si Yuan ulit.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Binatukan siya ni Jao.

"Aray naman, Jao."

"Ang mabuti pa guys, huwag na muna natin pag-usapan ang tungkol kay Kim," suhesyon ni Z. "Ang isipin natin ay ang ireregalo natin kay Belle. Di ba sa Sabado na ang birthday niya?"

"Oo nga pala!"  Napapitik ng daliri si Yuan.

Ngayon ko lang din naalala ang tungkol doon.
Personal pa man din kaming in-invite ni Belle noong nagpunta kami sa StarCafe.

"Daren, pupunta ka rin ba?" tanong sa akin ni Percy.

Hindi agad ako nakasagot.

Kapag pumunta kasi ako, isa lang ang ibig sabihin.
Makikita ko uli si Belle, ang babaeng bumigo sa akin.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon