Chapter 27 *Love and Doubt*

47 4 1
                                    

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Kayo pa ba ni Edward?"

"Hindi!" mabilis na sagot ni Kim.

Nasa kotse kami ngayon. Sinundo ko siya mula sa rehearsal nila.
Ang sabi niya naandon si Edward, pero nang dumating ako, wala na ito. Nakaalis na raw kasama si Rex.

"Kung hindi na kayo bakit magkasama pa rin kayo!" patuloy na tanong ko.

"Si Rex ang kumuha sa kanya. Close kasi sila. Actually kaya kami nagkakilala ni Rex ay dahil sa kanya."

Ah ganon...
Sa totoo lang ay nagdududa ako, pero ayoko iyong sabihin kay Kim. Gusto ko pa rin kasi siyang pagkatiwalaan kaya nga wala na akong sinabi. Pinatakbo ko na lang ang sasakyan ko.

Inihatid ko si Kim sa kanila.

"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong ni Kim nang nasa tapat na kami ng condominium nila.

"May TV guesting kami," sagot ko.

"Ganoon ba. Sige, ingat ka," sabi ni Kim sabay halik sa pisngi ko. "Magkita na lang tayo bukas. Tatawag ako mamaya."

"Teka." Hinawakan ko siya sa braso. "Pumunta ka uli sa bahay mamaya."

"Ha?" Halata na nagtaka si Kim. "O sige." Pumayag din siya.
Bumaba na siya ng sasakyan.
Kasunod noon ang pagsulyap ko sa paper bag na inilagay ko sa passenger seat. Iyon iyong damit na binili ko para kay Kim. Dahil sa inis ko kanina, hindi ko na ito naibigay sa kanya. Mamaya na lang siguro.

Pero naiinis pa rin ako.
Naiinis talaga ako sa buwisit na Edward na iyon.

"Daren, ok ka lang? Parang wala ka sa mood," napansin ni Yuan.
Nasa TV Station na kami, naglalakad papunta sa dressing room.

"Okey lang ako," sabi ko. Hindi ko na sinabi ang tungkol kay Edward.

"Wow, Si Dion!" Napansin ni Z ang poster na nakapost sa hallway ng TV station. "Paborito ko iyong isa niyang movie."

"Oo nga, maganda iyon," pagsang ayon ni Percy.

"Jao, di ba magkaibigan kayo?" tanong naman ni Yuan.

Ang tinutukoy nila ay si Dion Ferrer. Isang sikat na actor.  Pero ang alam ko inactive na ito ngayon.

"Hindi kami magkaibigan. Nagkasama lang kami minsan sa isang drama," sabi ni Jao.

"Pero di ba pasaway siya? Narinig ko iyon sa ibang mga artista. Anak mayaman daw kasi yan kaya may pagka-spoiled," sabi naman ni Yuan.

"Nakasama ko siya sa gym dati. Ang alam ko idol niya si Daren," singit ni Z.

"Talaga?" nagulat si Yuan.

"Ah. Tama na ang usapan. May trabaho pa tayo," sabi ko na lang.

After ng TV guesting, umuwi na rin ako agad.

''Kim. Kanina ka pa ba?" tanong ko pagdating ko sa bahay. Narito na kasi si Kim.

"Kadarating ko lang din," sabi niya. "Kumain ka na ba?

"Oo. Pinaghanda kasi kami kanina sa station."

"Ah, eh di hindi na ko magluluto?"

"Magpadeliver na lang tayo. Para sayo baka gutom ka na."

"Hindi. Kumain na rin ako."

"Sigurado ka?"

"Actually Daren hindi ako puwedeng magtagal. May pupuntahan kasi ako."

"Ha? Hindi ba puwedeng icancel mo na? Samahan mo na ko ngayong gabi."

Umiling si Kim. "Hindi talaga puwede pero babawi ako bukas. Promise."

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon