Chapter 8 *How do you Heal a Broken Heart*

102 7 18
                                    

I decided to leave.

Nag-impake ako at nagpasya na puntahan ang address na ibinigay sa akin ni kuya.

Inabot din ng apat na oras ang biyahe ko sakay ng bus.

Pagdating ko sa address na kapit ko, nakita ko agad si mama.
Nagsasampay siya ng mga damit sa labas.
Ang tagal na rin mula nang huli ko siyang makita, pero parang walang nagbago sa kanya.
Maganda pa rin siya.

Kasabay nang pagtingin ko sa kanya ay ang mga luha na biglang pumatak sa mga mata ko.

Mama.
Sigurado ako na galit ako sa kanya dahil iniwan niya ko, pero iba ngayon ang pakiramdam ko.
Wala nang galit. Wala nang mabigat sa puso ko.
Dahil ba alam ko na na wala talaga siyang kasalanan o dahil sa simula't simula hindi naman alaga ako nagalit kay mama?
Namiss ko lang talaga siya.

"Mama!"

Bigla siyang napatingin sa akin at nakita ko kung paano siya nabigla.

Lumapit ako sa kanya at yumakap.

Oo. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi yakapin ang mama ko.

"Anong ginagawa mo rito? Paano mo ko nakita?" tanong ni mama.

"Ako ang nagsabi! " biglang lumabas si kuya. "Alam na niya ang lahat, mama."

Lalo nang nabigla si mama.
Tumingin siya sa akin. "Anak ko."

"Mama, namiss kita," sabi ko bago ko hinigpitan ang pagyakap.

Ngumiti si mama at niyakap na rin ako. "Patawarin mo ko, anak. Patawad," sabi niya. Maya maya pa ay humihikbi na rin siya.

Sa puntong ito nagdesisyon ako na huwag nang iwan ang aking ina.

For a year, nakasama ko siya at si kuya.

***

7 am

Nakasakay na ako sa jeep nang marinig ko ang hit na kanta ng Lucky Cards.
Isa na ngayon sa mga nangungunang boyband ang Lucky Cards. Sikat na sikat sila sa mga kabataan at si Daren ang leader nila.
Ang aking si Daren. Ang aking honey---noon.

"Para po! Dito na lang po ako."

Bumaba na ako sa tapat ng Crest Restaurant.
Si mama ang may ari nito.

"Bakit ngayon ka lang? Bilisan mo magbubukas na tayo," sabi agad sa akin ni kuya.

Bukod kina mama at kuya,  may dalawa pa kaming helper dito.

Nagsuot na ko ng apron at sinimulan ang paglilinis ng mga lamesa.

Binuksan ni kuya ang TV.
Balita ang palabas.

NEWS
New Girl Group na Queen J kumukuha na ng atensiyon.

Bigla akong natigilan at napatingin sa TV .

Queen J.
Sina Abby iyon.
Iyong dati kong mga kasama sa VT.
Nagdebut na rin sila. At  dahil sa tulong ng Lucky Cards mabilis silang nakikilala.

"Mga kagrupo mo sila dati, di ba?" biglang tanong ni kuya.

Napatingin ako sa kanya. "Paano mo nalaman iyon?"

Napangisi si kuya. "Laging tinatawagan ni mama iyong boss ng VT para kumustahin ka kaya nalaman namin iyon. Pati nga iyong pakikipagrelasyon mo kay Black Spade alam din namin."

"Shawn, tumahimik ka nga riyan!" saway ni mama kay kuya.

"Mama." Tumingin ako kay mama. Hindi ko alam na talaga palang inaalam niya ang lahat tungkol sa akin.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon