Chapter 40 *Goodbye*

46 2 0
                                    

Hindi ko maipaliwanag pero wala akong maramdaman.
Wala pang luha.
Wala pa.

Iyon ay matapos kong malaman na wala na si mama.

Pagbalik namin ni baby Reon galing sa bus station naabutan na namin siya na ibinuburol.

Nakita ko sa isang tabi si kuya na humihikbi.

Lumapit siya agad sa akin at niyakap ako.

"Kim..."

Dito lang tumimo sa akin ang tunay na kaganapan.

Wala na si mama.
Patay na siya.

Iniabot ko si baby Reon kay kuya at dahan dahang lumapit sa kabaong ni mama.

"Mama..."

Namuo ang mga luha ko.

"Mama..."

Umagos.

Ayokong maniwala.

Ayokong tanggapin na wala na ang mama ko.

Pero ito ang katotohanan.
Ang masakit na katotohanan.

"Mama!"
Napahagulgol na ako nang tuluyan.

Mayroon na palang sakit si mama na hindi niya sinasabi sa amin.
Siguro dahil ayaw niya kami na mag-alala. Kaya rin pala niya ibinenta ang Crest Restaurant.

Bilang anak dapat napansin ko iyon.
Dapat nakita ko iyon, pero masyado akong naging makasarili.
Dahil sa sarili kong problema hindi ko na napansin si mama.

Ma, sorry.
Sorry.

***

2 days after.

Nakaupo ako sa isang sulok.
Umiiyak pa rin.

Marami ang nakikiramay pero hindi ko na pansin.

Kahit si baby Reon hinayaan ko na lang muna na alagaan ng kapitbahay namin.

"Kim?"

Nilapitan ako ni kuya. Umupo siya sa tabi ko.

"Kim, cliche ito pero isipin na lang natin na masaya na si mama dahil magkakasama na sila ni papa."

Masaya na nga ba talaga sila? tanong ko sa isip ko bago ako tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni kuya.

"Maglalakad lakad lang," sagot ko.
Ewan ko ba, pero ayoko muna ng kausap.
Gusto ko munang lumayo at mapag-isa.

Lumabas na nga ako ng bahay.
Naglakad lakad hanggang sa mapadaan ako sa convinience store.

Naalala ko.
Wala na nga palang diaper si baby Reon.
Kailangan ko na muna siyang ibili.

Pumasok ako sa convinience store.

Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang may biglang tumawag sa aking pangalan.

"Kim."

Napahinto ako at napatingin sa tumawag.

"Ah..."
Isang lalaki na nakaupo sa may gilid ng store.
Nakamask at shades siya kaya hindi ko kita ang mukha niya, pero ang boses niya.
Kahit matagal ko na siyang hindi nakita. Kilalang kilala ko pa rin.

"D-Daren?"

Parang may mainit na bagay na biglang bumalot sa puso ko.
Noong isang araw lang kasi ay
binalak ko nang sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin kaso hindi natuloy dahil nga sa nangyari kay mama.
Hindi ko inasahan na magkikita kami ngayon.

Mukhang ito na talaga ang oras. Tadhana na ang nagsabi na ipaalam ko na sa kanya ang lahat.

Ang galing pa dahil nangyari ito sa gitna ng kalungkutan ko.

Daren.

Sasabihin ko na.
Sasabihin ko na ang lahat---ang katotohanan kaya Daren, bumalik ka na sa akin.

Bumalik ka na sa akin honey ko...

"Kim..."
Tumayo si Daren at lumapit sa akin.

"Daren," sambit ko sa pangalan niya.
Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa.

Yayakapin ko na siya nang may biglang pumasok. Isang babae na nakamask at shades din.

Napatingin ako sa kanya.

Siya si...

"Ah, Kim. Si Julia. Girlfriend ko," biglang sabi ni Daren.

Para akong nabingi sa sinabi niya.

Sino raw ang babaeng ito? Si Julia? Girlfriend niya?

Girlfriend?

May girlfriend na si Daren?

Naglaho bigla ang mainit na pakiramdam sa puso ko.
Iyong pag-asa na naramdaman ko kanina ay biglang gumuho.

Ngumiti ako.
Mas mabuti ito.
Mas mabuti.
Ngumiti, pagkataos ay kumuha na lang ng mga items na nasa malapit at nagbayad sa counter.

Binilisan ko  para makalabas na ako agad.

"Kim!"

Huminto ako dahil sa pagtawag na iyon.
Sinundan ako ni Daren.

"Condolence," sabi niya.

Kung gayon, alam niya pala.

"Nalaman ko ang nagyari kay Mira. Nakikiramay ako," dagdag niya.

Nginitian ko na lang siya ulit.

"Kim!" Biglang nagpakita sa likuran ko si kuya.

"Ang tagal mo kaya sinundan na kita," sabi niya.

"Pabalik na rin ako," sagot ko bago ako nagpaalam kay Daren. "Sige Daren,  salamat." Umalis na ako kasama si Kuya Shawn.

"Hinahanap ka na ni Reon. Halika na sa bahay," sabi ni kuya habang naglalakad kami, pero hndi ko siya pinansin.
"Tinawagan ko rin ang mga kaibigan mo kaya nasa bahay na sila ngayon," dagdag ni kuya.

Hindi ko pa rin siya pinapansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Hoy, Kim!" sumigaw na si kuya. "Ano ba, may kausap ba ako rito?"

"Mauna ka nang umuwi! May pupuntahan pa ako."
Lumakad ako nang mabilis.
Hindi ko na alam kung nakasunod pa  si kuya. Wala na kasi akong pakialam.
Walang pakiaalam tulad ng mundo na wala ring pakialam sa akin.

Wala na si mama at wala na rin si Daren
Tama, wala na siya.
Bakit nga ba hindi ko naisip iyon--na mabilis lang akong ipagpapalit ni Daren?
Kung sabagay, kasalanan ko rin naman dahil ako ang lumayo.
Isa pa, napakaganda ng girlfriend niya ngayon.
Si Julia.
Si Julia na nakakuha sa lead role na dapat ay sa akin.

Bigla akong napahinto nang mamalayan ko na nasa tulay na pala ako. Mataas ito, hindi na matanaw ang nasa ilalim.

Tulad nang sinabi ko kanina, wala na si mama, patay na.
At si Daren...
Ipinagpalit at kinalimutan na niya ako.

Ibig sabihin wala nang dahilan para manatili pa ako rito.

Tumingin ako sa tulay. Isang bagay lang ngayon ang naiisip ko. Ang tumalon mula rito.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon