Chapter 17 *Chances*

61 3 0
                                        

<Kim POV>

"Daren, sigurado ka ba na okey lang na umalis tayo?" tanong ko kay Daren matapos kaming umalis sa hotel.

Naglalakad kami ngayon sa isang park na hindi pamilyar sa akin.

Naglalakad kami ngayon sa isang park na hindi pamilyar sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hoy, Daren!"

"Wala kaming schedule ngayon kaya okey lang na mamasyal," sabi ni Daren.

"Sure ka?"

"Oo naman." Inakbayan niya ko.

Bigla akong kinabahan dahil baka may makakita sa amin.
Ah, may mga tao rito pero bakit walang pumapansin sa amin.
Ah, oo nga pala. Nasa ibang bansa kami ngayon.  Hindi lahat ng nakatira rito ay kilala si Daren.

Napangiti na lang ako sa ideya na puwede kaming mag enjoy ni Daren na walang  inaalala.

"Ah, Daren, tingnan mo iyon!" May nakita akong interesting na bagay. Itinuro ko agad iyon kay Daren. "Ang daming sunflower doon."

"Oo nga. Puntahan natin."

Tumakbo kami papunta sa mga sunflower.

"Ang ganda!" Napabulalas ako.
Nang tingnan ko si Daren nakita ko na natahimik siya. Hindi maikakaila na na-amaze talaga siya sa mga sunflower.
Muli akong tumuon sa mga bulaklak.
Ang ganda talaga nilang pagmasdan.

"Napakaganda."

"Tama ka."

"Ikaw ang tinutukoy ko."

"Ha?" Muli akong napatingin kay Daren.
Sa halip na sa mga sunflower ay sa akin siya nakatingin.

"Gustong gusto ko ang sunflower. Tumingin lang ako sa kanila, napapanatag na ko. Sumasaya at naiinspire. Pero iba na ngayon dahil sa mga oras na ito, ikaw na ang sunflower ko... Kim."

"Daren."

"Alam mo ba na ikaw ang inspirasyon ko sa halos lahat ng kanta na naisulat ko?"

"Ah..." Parang nahiya ako sa sinabi niya kaya napatungo ako.

"Ang cute mo," biglang sabi ni Daren sabay hawak sa ulo ko. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
How to Love a Super StarMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon