Anong oras na? Bakit hindi ako makatulog?
Nakahiga na ako sa kama ko, pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Patingin-tingin ako sa cellphone ko.Talaga bang hinihintay ko ang text ni Kim?
Hay.Naglagay ako ng unan sa mukha ko.
Bakit ba ko nag-aalala na hindi siya nagre-reply? Wala dapat akong pakialam sa kanya.
Inalis ko ang unan at muling kinuha ang cellphone ko. Nag-text ako sa ibang mga babae na kakilala ko.
"Hi musta na?"
Ganoon lang, tatlo agad ang sumagot.
"Gising ka pa?"
Halos parepareho ang reply nila.Nakipagkuwentuhan na lang muna ako sa kanila hanggang sa makatulog ako.
5am.
Nag-ri-ring na naman ang phone ko.Kubute is calling.
Si Kim.
Agad kong sinagot ang tawag. "Hello?""Honey! Good morning! Nagtext ka pala kagabi. Pasensiya na hindi ako naka-reply. Ano iyong request mo?"
Ang aga aga ang lakas na ng boses niya."Wala iyon. Nakalimutan ko na," sabi ko.
"Galit ka ba?" bigla niyang tanong.
"Bakit naman ako magagalit?"
"Parang ang cold kasi ng boses mo."
"Inaantok pa kasi ako. Sige na. Matutulog pa ako. Mamaya na lang."
"Pero iyong request mo. Ano iyon?"
"Ay..."
"Sabihin mo na sa akin."
"Sige sige. Ite-text ko na lang."
Wala talaga akong balak na mag-request kay Kim. Kung hindi lang talaga kailangan.
Para sa debut namin.Kailangan ko ng sapatos.
***
Eksakatong 9 am, lumabas ang kauna unahan naming music video.
Kasabay noon ang pagpapakilala sa amin sa isang TV program.
Sa wakas.
Nag-debut na rin kami, ang Lucky Cards.Kung noon, ang goal namin ay ang makapag-debut, ngayon ang mapansin at makilala na ng mga tao ang aming top priority.
"Ang cute nila no? Lalo na sina Joker at Black Spade!"
Nasa cafeteria ako ng VT habang nagbabasa ng mga comments.
Halos lahat ng feedback na nababasa ko sa social media ay ganoon ang sinasabi.
Ang gwapo ni Joker
Ang cute ni Black Spade.
Iba ang dating nina CJ at RK.Ako si Black Spade.
Ang Joker naman na tinutukoy nila ay si Jao.
BINABASA MO ANG
How to Love a Super Star
RomantiekTanong: Paano magmahal ng super star? Sagot: Magsinungaling