Chapter 15 *New Place*

66 6 0
                                    


"Excuse me. Bakit bakante na ang room 319?" Nagtanong ako sa information desk ng Condominium.

"Ah, Si Black Spade!"

Na-star struck pa ata sa akin si Miss receptionist.

"Ano po.  Opo sir. Vacant na iyon.  Nagpunta po kasi ng province iyong dating nakatira ron."

"Sa province? Saang province?  Kailan pa?"

"Ah, I'm sorry pero iyon lang po ang alam ko."

Ano ba iyan. Saang probinsiya naman kaya nagpunta si Kim? At bakit siya umalis?

Wala na akong makuhang sagot sa receptionist kaya lumabas na ako ng condominium.
Pagkasakay ko sa kotse, tinawagan ko agad si Yuan.

"Hello Yuan. May number ka ba ni Mira o ni Paola?"

"Iyong mga model ba ang tinutukoy mo?"

"Oo, iyong mga kaibigan ni Kim."

"Meron naman. Pero bakit mo tinatanong?"

"Ipadala mo agad sa akin."

"Bakit nga? "

"Huwag ka nang magtanong.  Bilisan mo na!"Pinagtaasan ko na siya ng boses.

"Oo na, sige. Wait lang."

Ayos din pala ang hilig ni Yuan sa pakikipag flirt. At least ngayon, napakinabangan ko. Nakahingi ako ng number nina Mira at Paola

Si Mira muna ang una kong tinawagan,  pero out of coverage kaya si Paola naman.

Mabilis ang naging pagsagot niya.

"Hello, sino ito?"

"Si Daren ito."

"Daren?  Ah. Black Spade?  B-Bakit? Alam mo ang number ko?" Halata sa boses niya ang pagkabigla, pero hindi ko na iyon pinansin. Mas focus ako sa pag-alam kung nasaan si Kim.

"Itatanong ko lang kung alam mo kung nasaan si Kim. Wala na kasing nakatira sa bahay ni Mira."

"Ah. Tungkol diyan...." Sandaling tumahimik si Paola. "Umalis kasi si Mira. Biglaan. May kumalat kasi siyang picture kasama ang isang businessman na may asawa. Hindi na nga namin siya ma-contact.  Siguro hindi na muna siya pinayagan mag-phone ng mama niya.  Pero ang masama, pinutol na ng mama niya ang contract niya sa condong yon na tinitirahan niya kaya napilitan si Kim na umalis na rin doon. Tinatawagan ko na rin siya, pero hindi ko siya ma-contact.  Ang hula ko baka bumalik na siya sa kanila."

"Saan iyong kanila?"

Sinabi ni Paola ang lugar.
Kahit saan pa iyon. Pupuntahan ko.

Papunta na nga ako sa probinsiya ni Kim nang madaanan ko ang tindahan niya. Nakabukas.

Agad akong pumunta roon.

 
"Kim?"

"Daren."

Tuwang tuwa ako.
Nakita ko na rin si Kim.
Ang sunflower ko.
Agad ko siyang niyakap.

"Ano ka ba, baka may makakita sa atin!" saway niya agad.

Kumalas naman ako sa pagyakap. "Anong nangyari? Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?"

"Ah. Ano kasi. Wala na akong phone. Ibinenta ko."

"Ha?"

"Nawalan kasi ako ng bahay. Sorry kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo. Nag-alala ka ba?"

"Sobra. Pati si Paola nag-aalala na rin sayo. Saan ka na ba nag-stay?"

"Dito."

"Dito? Sa maliit mong tindahan?"

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon