"Kim!"
Biglang hinawakan ni kuya Shawn ang braso ko."Kuya..."
"Ano bang ginagawa mo!"
"Hayaan mo na ako kuya. Ayoko na. Ayoko nang mabuhay."
"Ano bang pinagsasasabi mo? Seryoso ka ba? Magpapakamatay ka talaga? Paano na ang anak mo? Iiwanan mo na lang ba siya?"
Si baby Reon.
Naalala ko ang baby ko.
Kung tutuusin siya ang dahilan ng lahat.
Kung hindi siya dumating hindi ko sana kakailanganing iwan si Daren.
Kung hindi rin dahil sa kanya hindi ko nabigyan ng sama ng loob si mama.
Bakabuhay pa si mama ngayon.
Baka rin magkasama pa kami ni Daren.Biglang umagos ang mga luha mula sa mga mata ko.
"Siya ang dahilan. Siya ang dahilan kaya nawala sa akin ang lahat," bigla iyong lumabas sa bibig ko."Ano? Sinisisi mo si Reon?"
Napalakas ang pag-iyak ko.
"Bakit siya ang sinisisi mo? Bata lang siya," giit ni kuya.
Pero ano nga bang magagawa ko.
Sa mga oras na ito ay iyon ang nasa isip ko."Kim, talaga bang si Reon ang sinisisi mo? Bakit? Ano bang kasalanan niya? Ano bang ginawa namin para masisi nang ganito!"
"Ah." Bigla akong natigilan. Napatingin din ako nang diretso kay kuya.
Nakita ko na may namumuong luha sa mga mata niya."Kuya..."
"Nasira ang pangarap nyo dahil nagsilang kayo ng sanggol. Ang lagay, kami ang may kasalanan. Kami ang naging hadlang. Bakit? Ginusto ba naming mabuhay? Hindi naman, di ba? Lalong hindi namin ginusto na maging rason ng pagkasira ng mga pangarap nyo."
"Kuya..."
Bakit ko nakalimutan iyon?
Paano ko nakalimutan ang pinagdaanan ni kuya Shawn?
Noon pa man siya na ang sinisisi ng lahat. Sinisisi sa pagkasira ng career ni papa.
Sinisisi kung bakit nawala ang sikat na si Reon."Sayang talaga si Reon. Kung hindi siya nagkaanak eh di sana sikat pa rin siya hanggang ngayon."
Iyong mga tao na hindi marunong umintindi. Sinisisi nila si kuya.
"Huwag na huwag na kayong magpapakita sa akin! Kayo ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa anak ko. Nawala sa kanya ang lahat, nabaon pa siya sa utang. Dahil iyon sa inyo. Lalo na sayong bata ka!"
Kahit si lola na mama ni papa, si kuya rin ang sinisi.
"Eh bakit kasi binuhay mo pa ang batang 'yon? Dapat noong una pa lang pinalaglag mo na lang."
May kaibigan pa si mama na nagsabi noon.
Parang ipinamukha nila kay kuya na kasalanan at malaking pagkakamali ang pagkabuhay niya.Ngumingiti lang si kuya.
Dati, hindi ko alam.
Dati akala ko okey lang.
Ngayon ko lang napagtanto.
Buong buhay pala iyong dinadala ni kuya.Hindi na nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon galit pa rin siya kay papa.
Kuya Shawn...
Pinahid ko ang luha ko bago ako yumakap kay kuya. "Kuya, sorry. Sorry." Muli akong napaiyak. Malakas na pagpalahaw.
"Hindi sa akin kundi kay Reon ka dapat mag-sorry," sabi ni kuya
"Oo. Oo," iyak ko.
Hinding hindi ko na ulit iisipin mula ngayon ang tungkol sa pagpapakamatay dahil mali iyon.
Mali rin na manisi.
Maling mali.
Ako ang pumili ng tadhana ko.
Nangyari ang lahat ng ito dahil sa mga desisyon ko kaya dapat tanggapin ko iyon.
BINABASA MO ANG
How to Love a Super Star
RomanceTanong: Paano magmahal ng super star? Sagot: Magsinungaling