Daren POV
6am.
Katatapos lang ng shooting namin para sa music video. Dito na ako sa bahay dumiretso.
"Daren napapadalas ata ang punta mo rito," komento ng katulong namin na si Manang Sally na siyang nagbukas ng pinto. Tama naman siya. Mula nang tumira dito si Kim araw araw na akong nauwi. Unlike noon na kapag weekends lang o kung minsan montly lang.
"Oh, Daren. Sabi ko na nga ba darating ka. Mag almusal ka muna. Si Kim ang nagluto."
"Talaga po?"
"Ang sarap pala talaga niyang magluto."
"Ah, opo. Masarap talaga."
Pumunta na agad ako sa dining area. Nakaupo na roon si Kim at si Papa. Naandon din si...
"Ate?"
"Daren." Si Kim.
"Daren." Si Papa.
"Nagulat ka ba dahil nandito ako?" tanong ni ate.
"Umuwi kahapon ang ate mo para i-anounce ang magandang balita," sabi ni papa.
"Anong balita?"
Naupo na kami ni mama.
"I'm getting married. "
"Talaga? Ikakasal ka na, ate?"
Parang kailan lang nang mag-enroll siya sa University.
Actually graduating palang siya. Pero stable na naman kasi ang bf niya at boto kami ron dahil sobrang bait at galing sa maayos na pamilya kaya okey lang na magpakasal na sila.Tumayo ako at niyakap si ate mula sa likod.
"Congrats ate!"
"Salamat." Hinawakan ni ate ang kamay ko na nakayakap sa kanya. "Ikaw, kailan?"
Ngumiti lang ako bago umupo uli sa may katabi ni Kim.
"Oh sige na, bago ang usapan simulan na natin ang pagkain," sabi ni mommy.
Nagsimula na nga kami sa pagkain. Kasabay noon ang masayang kuwentuhan.
***
"Uuwi ka na agad?" tanong ni ate nang magpaalam na ako. 10am na kasi. Kailangan ko nang bumalik sa apartment namin.
"Next time ako naman ang bibisita sayo."
"Promise iyan, ah," sabi ni ate.
"Ma, Dad. Alis na po ako. Kim, una na ko."
"Ah, sabay na ko," habol ni Kim.
"Bakit san ka pupunta?" tanong ko.
"Sa workshop. May acting workshop ako ngayon."
Oo nga pala. Nag enroll si Kim don.
Isinabay ko na nga siya pupunta sa workshop niya.
Habang nasa sasakyan.
"Hanggang anong oras ang klase nyo?" tanong ko habang nagmamaneho.
"Hanggang 3pm lang."
"After non san ka na pupunta?" tanong ko pa.
"Magpprepare na ko para buksan ang tindahan ko."
"Ha, bubuksan mo pa rin yon?"
"Oo naman. Kailangan ko iyon para magka- pera."
"Puwede naman kitang bigyan."
"Hindi, ayoko!" Umiling agad si Kim. "Nakakahiya. Nakikitira na nga ako sa inyo bibigyan mo pa ako ng pera."
BINABASA MO ANG
How to Love a Super Star
RomanceTanong: Paano magmahal ng super star? Sagot: Magsinungaling