Chapter 32 *The Music*

49 3 2
                                    

[Daren POV]

Isang buwan ang lumipas simula nang mamatay si Edward

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang buwan ang lumipas simula nang mamatay si Edward.
Ganoon na rin katagal simula nang hindi ko makita si Kim.
Hindi ko na alam kung anong nangyari. Wala na rin akong ideya kung anong ginawa ni Kim pagkatapos mamatay ng kapatid niya.

Kinaya ko naman na wala si Kim.
Kaya ko naman pala.

Actually sinubukan kong makipagdate sa iba.
Maganda naman ang resulta.
Marami akong mga bagong nakilala.
Sa palagay ko tama itong ginagawa ko para tuluyan nang mabura sa buhay ko si Kim.

Sabado.
Pumunta ako sa VT Entertainment para sa recording ko.
Nasa tapat na ako ng elevator at hinihintay na itong bumukas.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagbukas nito.
Nandito siya.

"Dion Ferrer."

"Oh! Hi, Black Spade!" nakangiting bati niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh! Hi, Black Spade!" nakangiting bati niya.
May mga sinabi pa siya pero hindi ko na naintindihan.
Isang bagay lang kasi ang tila ba paulit ulit na pumasok sa tainga ko.

Siya ang tatay ng anak ni Kim.
Siya ang tatay ng anak ni Kim.

"Black Spade?" Hinawakan niya ko sa balikat.

"Ah." Dito lang ako parang natauhan.

"Yo!" Bati ko.

"Kumusta ka na?" tanong niya.

"Ayos lang ako. Ikaw? Kailan ka pa bumalik?"

"Kababalik ko lang."

Kababalik niya lang? Teka.. Bumalik ba siya para kay Kim?
Nagkabalikan na ba sila?

"Sasakay ka pa ba?"

"Ah, oo! Next time na lang tayo mag usap."

Sumakay na ko sa elevator.
Bigla akong napahawak sa dibdib ko.

Bakit parang kinabahan ako?
Bakit parang na-threaten ako?

Wala na akong pakialam kay Kim, di ba?
Nakikipagkita na nga ako sa ibang mga babae.

Ah! Kinuha ko ang phone ko.
Wala na akong number ni Kim.
Binura ko na.
Pero puwede ko iyong hingin kay Mira o kaya kay Paola.
Alam ko rin ang bahay niya.
Anytime ay puwede akong pumunta.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon