"Talaga palang kayo na. Congrats!" Todo ang bati ni Yuan nang malaman niya na nagkabalikan na kami ni Kim.
Nandito kami ngayon sa condo ng Lucky Cards. Isinama ko si Kim para personal na ipaalam sa mga kagrupo ko ang tungkol sa relasyon namin.
Pero wala si Jao kaya kina Yuan, Percy at Z ko lang nasabi.Nasa gitna kami ng pag-uusap nang may biglang tumawag sa akin.
Ang manager namin.
"Sandali lang, sagutin ko lang ito." Lumayo muna ako para sagutin ang tawag. "Hello?"
"Daren, nasan kayo? Nagpatawag ng emergency meeting si Boss Vito."
"Emergency meeting? Kailan naman?"
"Ngayon na!"
"Ha? Pero day off namin."
"Alam ko kaya nga kita tinatawagan. Emergency ito. Pumunta na kayo."
Ano ba iyan. Bakit ngayon pa kung kailan kasama ko si Kim.
"May emergecy meeting tayo," sabi ko sa mga kamember ko.
"What! Now na?" nag-react si Yuan.
"Bakit daw?" tanong ni Percy.
"Hindi ko alam. Kim." Tumingin ako sa kanya. "Pasensiya ka na."
"Ayos lang. Naiintindihan ko."
"Gagamitin namin iyong van. Idadaan ka na lang namin sa inyo."
"Hala!" Biglang napasigaw si Yuan. Nakita namin siya na nakasilip sa bintana.
"Bakit, Yuan?" tanong ni Z.
"May reporter sa labas."
"Ha?"
Tiningnan din namin iyon, at tama nga. May nagmamatyag sa labas.
"Hindi ba talaga sila titigil sa paggawa ng mga kuwento tungkol sa atin?" amok ni Percy.
"Mukhang hindi puwedeng lumabas si Kim," komento ni Yuan.
"Tama ka." Tumingin ako kay Kim. "Kim..."
Mabilis naman niyang naunawaan ang nais kong ipahiwatig.
Kami na lang muna ang aalis at maiiwan muna siya rito sa condo.
Sinabihan ko na lang siya na maghintay hanggang sa makabalik kami.
"Huwag kang mag-alala, babalik ako agad.""Sige," sagot ni Kim.
Lumabas na kami.
Sa sasakyan ko na tinawagan si Jao."Jao, nasaan ka? May emergency meeting tayo."
"Nandito pa ako sa mall. Didiretso na lang ako sa studio."
"Okey, sige. Doon na lang tayo magkita. Papunta na kami ron."
"Okay."
Pagdating sa studio.
Diretso na agad kami sa conference room."Nasaan si Jao?" tanong agad ni Boss Vito.
"Susunod na raw siya," sabi ko.
Naghintay kami, pero wala pa rin si Jao kaya tinawagan ko uli siya,
"Jao, ano na! Nasaan ka na?"
"Biglang sumama ang pakiramdam ko kaya dumiretso na ko dito sa bahay. Pakisabi na lang kay boss," sagot ni Jao bago niya pinatay ang kabilang linya.
"Hey, Jao! Jao!" Hindi ko na siya na-contact.
"Nagiging pasaway na si Jao. Daren, kailangan mo siyang pagsabihan."
BINABASA MO ANG
How to Love a Super Star
RomantikTanong: Paano magmahal ng super star? Sagot: Magsinungaling