Chapter 12 *Meeting*

87 4 0
                                    

[Daren POV]

Sunod sunod ang mga shows namin.

TV guestings, mall tours at iba pa.
Ang hectic talaga ng schedule.  Nakakapagod.
Pero sa kabila nito, nagiging maayos ang lahat kapag nakikita ko siya.

Pagsapit ng 2am pumupunta  ako sa shop ni Kim para kumain ng ramen.

"Mukhang pagod ka na. Bakit pumunta ka pa rito?" tanong ni Kim.

Sandali kong itinigil ang pagkain at tumingin sa kanya. "Gusto kitang makita."

Napatungo si Kim. "Lagi na naman tayong nagkikita."

"Kapag nakikita kita, nawawala ang pagod ko kaya pagbigyan mo na ko."

"Hmm... bolero ka."

Napangiti lang ako sa sinabi niya bago itinuloy ang pagkain.
Pero wala iyong halong biro.
Totoong nawawala lahat ng pagod ko sa tuwing nakikita ko si Kim.
Gustong gusto ko talaga siya.

"Kim... puwede ko bang makilala ang pamilya mo?"

"Ha?"

Natigilan si Kim sa tanong ko.

"Gusto ko silang makilala. Gusto ko kasing ipaalam sa kanila na nasa mabuti kang kamay."

"Bakit, ikakasal na ba tayo?" Natatawa si Kim.

Muli ko siyang tiningnan. "Sige na," pakiusap ko.

Ngumiti si Kim. "Ok. Bukas ipapakilala kita sa kanila."

"Talaga?"

"Oo, basta bilisan mo na ang pagkain dahil kailangan mo nang umuwi at magpahinga. May trabaho ka pa, di ba?"

Umiling ako. "Wala akong trabaho bukas kaya puwede mo na kong ipakilala sa parents mo. What time tayo?"

Napakunot ng noo si Kim.

"Wala nang bawian. Ipapakilala mo ko sa kanila"

"Oo. Oo na. Sige, pagkatapos ng training namin."

"Okey."

Sobrang na-excite ako.
Excited na makilala ang pamilya ng babaeng gusto ko.

Kinabukasan.

Bakit dito?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bakit dito?

Laking gulat ko nang sa sementeryo ako isama ni Kim.

"Hindi ba gusto mong makilala ang pamilya ko? Oh, ayan. Una sa lahat ipapakilala kita sa papa ko."

Nasa tapat nga kami ngayon ng puntod ni Reon.
Ang sikat na si Reon.

"Papa, kumusta po kayo? May kasama po ako. Boyfriend ko."

Bigla akong napalunok. Kahit alam ko na wala naman talaga ang papa ni Kim nakakakaba rin pala kapag ipinakilala ka.

"Siguro kung buhay si papa,  magugustuhan ka niya. Kasi parehas kayong mahilig sa music," nangingiting sabi ni Kim.

Ako rin naman. Gusto ko rin si Reon. Isa siya sa mga inspirasyon ko pagdating sa musika.
Hindi ko akalain na magiging inspirasyon ko ngayon ang anak niya.

"Aalagaan ko po ang anak nyo," bigla kong sinabi sabay hawak sa kamay ni Kim.

Tumingin sa akin si Kim. "Daren."

"Bakit?"

"Gusto rin sana kitang ipakilala sa mama at kuya ko, kaya lang nasa malayo sila ngayon kaya next time na lang. Sa mga kaibigan ko na lang kita ipapakilala. Okey lang ba?"

"Wala naman akong magagawa," may pagtatampo sa tono ko.
Gusto ko talagang makilala ang pamilya ni Kim, pero mukhang imposible ngayon kaya sige. Mga kaibigan na lang niya.

Isinama ako ni Kim sa tinitirahan niya.
Dito ko nga nakita sina Mira at Paola. Ang mga kaibigan niya.

"Totoo pala talaga. Si Black Spade ng Lucky Cards ang boyfriend mo, Kim." Parang hindi pa makapaniwala si Paola. 
Teka. Artista ba itong si Paola? Para kasing pamilyar siya sa akin.

"May ginawa akong desert. Kumain na muna kayo," sabi naman ni Mira. Itinuro niya ang kusina.
Siya ang talagang pamilyar sa akin. Nakasama na namin siya sa isang music video.

"Hindi ka na dapat nag abala. Hindi naman kami magtatagal, may pupuntahan pa kami," sabi ko.

"May pupuntahan pa tayo?" Parang nagulat si Kim.

Nginitian ko siya.

"Hoy! Baka niloloko mo lang ang kaibigan namin, ah. Kapag sinaktan mo siya lagot ka talaga sa akin!" biglang sabi ni Paola.

"Paola, ano ka ba!" sinaway siya ni Mira.

"Nagpapakatotoo lang ako. Para malinaw." Tinapik niya ako sa balikat. "Huwag mong lolokohin ang kaibigan namin, ah."

"Hindi ko iyon gagawin," sabi ko.

Nakipag-usap pa ako ng saglit sa mga kaibigan ni Kim, kumain din ng dessert na gawa ni Mira bago nagpaaalam.

"Grabe iyong kaibigan mo na si Paola.  Parang ilag na ilag sa akin," sabi ko. Nasa kotse na kami ngayon ni Kim.

"Pasensiya ka na kay Paola.Protective lang talaga siya."

"Mukha nga."

"Saan na pala tayo pupunta?  May pupuntahan ba talaga tayo?" tanong ni Kim.

"Oo, meron pa." Nagdrive na ako at isinama sa lugar na iyon si Kim.

Sa bahay namin.

Halata ang pagkagulat niya.

"Bakit mo ko isinama rito?"

"Ipapakilala kita sa parents ko."

"Ha?"

"Ma, may kasama po ako." Ipinakilala ko agad si Kim kay mama. Tamang tama  pa dahil nandito rin sina dad at ate.

Tuwang tuwa si mama dahil first time ko raw nagsama ng babae dito sa bahay.
Asikasong asikaso niya si Kim.
Kinausap din siya ni papa.
Si ate ang medyo suplada, pero okey lang. Pinansin niya rin si Kim kahit papano.

Pagkatapos sa bahay, sa condo naman ng Lucky Cards ko isinamani Kim.

Dinala ko siya rito dahil desidido na ako na maging bahagi ng buhay ko si Kim. Gusto ko siyang mapalapit sa parents at sa mga kaibigan ko.

Pero mukhang mali ang second move ko.
Mukhang hindi ko na dapat siya isinama sa condo. Hindi ko na sana nalaman ang isang nakakainis sa sikreto---na sa mga kasama ko pala sa Lucky Cards,  meron palang noon pa may gusto kay Kim.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon