Chapter 39 *New Love*

59 1 0
                                    

Hindi pa sumisikat ang araw nasa kusina na ako.
Naisip ko kasi na magluto para kumita naman ng pera.

Nag-bake ako ng mga cookies at cup cakes. Tinanong ko na lang via social media ang iba kong mga kaibigan kung gusto nila na mag-order. Swerte naman dahil marami ang may gusto. Kabilang na roon si Paola.

Tumawag si Paola.

"Kim, nalaman ko ang nangyari sa audition mo. Sorry ha."

"Bakit ka nagso-sorry eh wala ka naman kinalaman doon."

"Ako ang nag-convince sayo, di ba? Naiinis nga ako, eh. Naiinis ako kanila."

"Ayos lang iyon. Ano, bibili ka ba uli ng mga ginawa kong cup cake?"

"Oo, siyempre naman. Pero ayos lang ba kung dito mo dalhin sa set namin?"

"Sige. Walang problema."

Naghanda na ako papunta sa pinagsh-shootingan nina Paola.

Sa isang school iyon.
Hindi pa sila tapos kaya naupo na muna ako sa isang bench.

Nakakapagod kaya pumikit muna ako hanggang sa nakatulog ako.

"Miss."

"Ah."

Nang imulat ko ang mga mata ko, bumungad sa akin ang isang lalaki.

"Hi!" bati niya.

Sino ba siya?

Kilala ko ba siya?

"Kim!"

Si Paola. Lumapit na siya sa akin.

"Oh, Dion nandyan ka na pala. Siya nga pala iyong friend na sinasabi ko na magdadala ng cupcake."

"Oo, alam ko."

"Alam mo?"

"Nakita ko." Tiningnan ng lalaki ang dala kong paper bag.

"Ah, ok. Ah, Kim. Kilala mo ba siya? Si Dion Ferrer. Co-star ko siya."

Ngumiti lang ako.
So artista pala siya.
Hindi ko siya kilala.
Hindi kasi ako masyadong mahilig sa mga artista.

"Tikman ko na ah." Biglang kumuha ng isang cupcake iyong lalaki.

"Masarap, ah."

"Kung nasasarapan ka eh di umorder ka rin," sabi ni Paola.

"Sure. Walang problema. Oorder ako pero ok lang ba kung sa bahay mo idilever?" Kumindat ang lalaki.

"Ok lang." Bigla kong nasabi.

"Then I think I need to get your number."
Kinuha na nga niya ang number ko.

Magkukwentuhan pa sana kami ni Paola, pero walang time dahil back to shoot na agad sila kaya nga nagpaalam na ako na uuwi na.

Pagdating ko sa bahay.

"Hello baby ko!" Binuhat ko agad si Baby Reon.

Karga ko siya nang biglang may nagtext sa akin.

Sinilip ko iyon.

"Hi." from Unknown number.
May next text ulit.

"Si Dion to."

Iyong lalaki pala kanina.
May order ba siya agad?

Nireplyan ko siya.

"Yes, sir?"

"Anong sir. Si Dion to."

"Oo nga po. Oorder kayo ng cupcake, di ba?"

"Wag mo naman ako po-in. Magkasing edad naman siguro tayo."

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon