Chapter 4 *My Sunflower*

131 11 33
                                    

"Nag-quit na pala si Kim?" sabi ni Yuan.

Magkakasama kami ngayon sa dressing room.

Palakad lakad si Yuan, habang kami namang apat ay nakaupo lang sa sofa na narito sa loob.

Nakapikit si Jao habang naka-headset.
Hawak naman nina Percy at Z ang kanilang mga cellphone.

"Bakit kaya nag-quit si Kim?" tanong pa ni Yuan.

"Confirmed na ba? Kanino ba galing ang balita?" tanong ni Z na napatingin na kay Yuan.

"Si Abby ang nagsabi. Kagrupo niya iyon. Tinanong ko siya kung bakit, pero hindi raw niya alam," kuwento ni Yuan.

Biglang nagtanggal ng headset si Jao. "Bakit ka ba nag-aalala? Dahil ba mawawalan ka na ng libreng pagkain?" sabi nito.

"Hindi naman sa ganoon. Kasama na iyon, pero naging kaibigan na natin si Kim," depensa ni Yuan.

Umiling na lang si Jao bago ibinalik ang kanyang headset.

Tumingin sa akin si Percy.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala ka bang alam?" tanong ni Percy.

Biglang tumuon sa akin si Yuan.

"Oo nga pala, Daren. Ikaw ang boyfriend ni Kim kaya dapat alam mo iyon."

"Wala akong alam."

"Bakit hindi mo alam?" hyper pa rin si Yuan.

"Hindi ko nga alam!" giit ko.

"Hindi naman totoo ang relasyon nila kaya natural lang iyon."

Natahimik kaming lahat nang sabihin iyon ni Jao.

Hindi totoo?
Bigla akong napakuyom ng kamao.
Nakakainsulto kasi ang sinabi niya, pero may punto siya kaya walang dahilan para magalit.

"Sige." Tumayo ako. "Aalamin ko kung bakit siya nag-quit."

"Saan ka pupunta?" tanong ni Z.

"Sa bahay nila."

Iyon nga ang ginawa ko.
Pinuntahan ko si Kim sa bahay nila.

Huminga muna ako nang malalim bago hinawakan ang doorbell.

"Honey!"

Hindi ko na natuloy ang pag-doorbell nang marinig ko ang boses ni Kim.

Agad ko siyang nilingon.
Mukhang galing pa siya sa convenience store dahil may dala siyang bag ng grocery.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kim.

Lumapit agad ako sa kanya. "Totoo ba na mag q-quit ka na?" tanong ko.

Hindi siya nakasagot.

"Iyon ang sabi ng ng mga kasama mo. Totoo ba?" ulit ko.

Tumango siya.

Napailing ako. "Bakit? Bakit ka aalis?"

"Na-realize ko kasi na hindi ako bagay maging idol."

Napakunot ako ng noo."Ano?"

Bigla siyang ngumiti. "Hindi ko naman gustong maging idol. Sinubukan ko lang para ma-feel ang na-experience ni papa."

Wala akong naging komento roon. Para naman kasing hindi totoo.
Parang may iba pa siyang dahilan.

"Gusto mo bang pumasok? Halika muna sa loob," aya niya.

Umiling ako.

"Ayaw mo?"

"Lumabas tayo."

"Ha?" Napabuka ng bibig si Kim.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon