Huminga ako nang malalim.
Malapit na kasi ang turn ko para sa audition."Ah. Si Jao ba iyon?" Mula sa likod ng stage ay nakita ko si Jao na nakaupo kasama ang mga judge.
"Siya ang magiging lead actor kaya siya narito," sabi ni Paola. "Mukhang gusto niyang malaman kung sino ang magiging leading lady niya," dagdag pa niya.
"Ganon ba." Bigla kong naalala ang mga advice ni Jao noong magdedebut sana ako.
"Next. Number 102."
"Ah. Ako na iyon."
Pumunta na agad ako sa stage. Sa harap ng mga panel."Hi. Good morning," bati ng babaeng judge. I think siya ang writer. May kasama pa siyang dalawang lalaki. Ang director at ang producer. At nasa tabi nila si Jao.
"Good morning po!" sagot ko. Tiningnan ko si Jao, pero umiwas siya ng tingin. Bakit kaya?
"So, you're here para maging leading lady, right?" Ang director naman ang nagtanong.
"Yes po!" mabilis kong sagot.
"Depende iyon sa galing mo. Pero if ever naman na hindi ka mapili pero magaling ka mag -offer pa rin kami ng ibang role para sayo. Ok lang ba iyon?"
"Oo naman po. Okey lang. Pero sana makuha ko ang lead role."
"Then, let see. Tingnan natin ang kakayahan mo."
May lumapit sa akin na staff at inabutan ako ng script.
"Sabihin mo nga ang linya na iyan..."
Tiningnan ko ang script.
"Ah..." Napaawang ako ng labi.
Ang linya ng character.
Patungkol sa nawalay niyang minamahal.
Bigla kong naalala si papa.***
"Wow. Congratulations," nakangiting sabi ng director.
Anong ibig sabihin noon?
"Pahintay na lang ng result."
"Next na. 103!" sabi ng staff.
Si Paola na iyon. Pumunta na siya. Ako naman ay pumunta na sa back stage at naupo sa isa sa mga bench na narito. Narito rin ang iba pang mga nag audition. Mamaya rin kasi sasabihin ang result kaya lahat kami ay naghihintay.
Pero...
Kumusta kaya iyong ipinakita ko?Natapos na rin si Paola.
Sabay na nga kaming naghintay.Nakakakaba pala.
Isang oras ang lumipas.
Sa wakas, nilapitan na kami ng staff."Salamat sa paghihintay. Ito na ang result."
Ayan na.
"Iyong mga number na babanggitin ko sumunod sa akin."
"Kim." Hinawakan ni Paola ang kamay ko.
"Number 48."
"Ako po iyon."
"69. 85. 102. 103.
"Paola number natin iyon!" Napabulalas ako.
"109. 119. Iyong mga hindi natawag, puwede na kayong umuwi. Tatawagan na lang namin kayo sa susunod na audition."
Sa dami ng nag audition, pito lang ang napili. At kasama kami kaya ibig sabihin sure na na makakasama kami sa drama.
Pero sino kaya ang gaganap sa lead role?
Ako kaya?
Kung hindi man ano kaya ang role na gagampanan ko?
Okey lang kahit anong role. Ang mahalaga ay nakasama ako.
Siguradong magiging masaya si Daren para sa akin.
BINABASA MO ANG
How to Love a Super Star
RomansaTanong: Paano magmahal ng super star? Sagot: Magsinungaling