Chapter 14 *Short Separation*

80 6 0
                                    

<Daren POV>

"Kamusta, Daren?" tanong ni Percy.

Magkasama kami ngayon sa gym.

"Parang nitong mga nakaraang araw hindi kayo masyadong nagpapansinan ni Jao. Magkaaway ba kayo?"

"Hindi. Okey lang kami. Nagseselos lang siguro ako."

Napangiti si Percy at inakbayan ako. "Bakit ka naman magseselos. Halatang halata kaya na ikaw lang ang gusto ni Kim."

"Alam ko iyon kaya nga hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nag aalala pa rin ako," sabi ko bago ako naupo sa isang sulok.
Gaya ng sinabi ko, hindi ko maintindihan ang aking sarili. Bakit nga ba ako nagseselos?
Bakit ako nag-aalala?

"Hay..." Napabuntong hininga si Percy. "Kung meron lang akong karanasan sa love mapapayuhan sana kita, kaya lang wala eh."

Ako naman ang napangiti. "Hindi ka naman kasi nakikipagdate," sabi ko.

Dito na napatawa si Percy.

Natawa na rin ako.
Kahit papaano ay naibsan ang pag-aalala ko.

"Oo nga pala. Nasabi mo na ba kay Kim na may tour tayo sa Thailand?" Biglang tanong ni Percy.

Umiling ako.

"Bakit hindi mo pa sinasabi? Sabihin mo na para alam niya na medyo matagal kayong hindi magkikita."

"Oo, sasabihin ko na sa kanya."

Pagkatapos naming mag-gym kinuha ko na agad ang phone ko para tawagan at ipaalam kay Kim ang tungkol sa pag-alis namin.
Pero sa totoo lang hindi ko alam kung paano magsasabi. Kung ako kasi ang tatanungin, ayokong umalis.
Ayokong mapahiwalay kay Kim kahit sandali.

Tatawagan ko na si Kim, pero naunahan niya ko.

My Sunflower is calling

Sinagot ko ito. kaagad.

"Kim?"

"Daren..." Basag ang boses niya. Mukhang may nangyaring masama.

"Bakit Kim, anong nangyari?"

"Hindi ako nakapasa," iyak ni Kim. Rinig na rinig sa kabilang linya ang paghikbi niya.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita?"

"Nandito ako sa labas ng agency namin."

"Sige pupunta na ako agad dyan. Hintayin mo ko."

Pinuntahan ko na agad si Kim gamit ang kotse ko.
Mabilis ko namang siyang nakita na nakatayo sa isang sulok.

Umiiyak pa rin siya.

Ang kawawa kong si Kim.

Gusto ko sanang bumaba ng sasakyan at yakapin siya, pero hindi puwede dahil baka may makakita sa akin kaya bumusina na lang ako.

Si Kim na ang lumapit at sumakay sa sasakyan ko.
Lumayo na muna kami sa agency nila.
Sa tapat ng isang park ko inihinto ang sasakyan.

"Masama pa rin ba ang loob mo?"simula ko.

Tumango si Kim. "Pakiramdam ko kasi nabalewala lahat ng pinaghirapan ko. Hindi man lang nila ko na-appreciate."

"Part talaga iyan ng pagiging idol. Alam mo ba, ako... ilang taon din bago ako nagdebut."

"Ha?" Dito lang napahinto sa paghikbi si Kim. Tumingin siya sa akin.

"Gaano katagal bago ka nagdebut?"

"Five years old pa lang ako nasa agency na ako."

"Five years old?" Gulat na gulat siya.

"Oo, five years old pa lang ako. Lumalabas na naman ako sa mga commercial noon, pero kahit ganon sinasabi pa rin nila na kulang pa rin ako sa skills."

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon