Chapter 23 *Heart Beat*

56 5 0
                                    


"Alam niya ba na kasama ako?"
Nasa wash room kami nang itanong ko ito kay Rex.

"Sino?" Halata ang pagtataka ni Rex. Kung sa bagay hindi naman kasi niya alam ang tungkol sa amin ni Kim.

"Iyong assistant mo ang tinutukoy ko. Para kasing nagulat siya nang makita ako."

"Ah. Si Kim. Oo naman alam niya na makakasama ka. Na-star struck lang siguro siya sayo kayo ganoon ang reaksyon niya," natatawang sabi ni Rex. "Ewan ko ba naman doon kay Kim. Napapalibutan naman siya ng mga sikat pero parang pagdating sayo nag-iiba siya."

"Talaga?"

Natawa na lang si Rex.
Kung alam niya lang.
Kung alam niya lang.

"Si Kim nga pala ang kumuha kay Kent. Close kasi siya sa grupong SOLD. Kung wala lang sched iyong ibang members malamang nakuha niya lahat," pagpapatuloy ni Rex. Nakalabas na kami ng washroom at ngayon nga ay naglalakad na pabalik ng studio.

"Kung nandito ang buong SOLD, eh di wala nang dahilan para pumunta pa ako," nasabi ko na lang.

Malakas na tawa ang naging tugon ni Rex.

Pagbalik ng studio.

"Black Spade," tawag ni Kid.
"Black Spade," tawag naman ni Ayumi.
"Mga fans mo," bulong ni Rex.

Napangiti lang ako, pero bigla rin naglaho ang ngiting iyon nang makita ko si Kim na inaabutan ng tubig si Kent.

"Sige, mag-start na tayo ng rehearsal," sabi ni Rex. Tiningnan niya si Kim.

Mabilis namang kumilos si Kim. Namigay ng mga papel habang nag-e-explain. "Nakasulat sa mga papel na iyan ang mga kanta na napili namin para kantahin ninyo sa concert. Mostly dyan ay iyong mga sikat nyong kanta. Pero puwede pa rin iyang mabago, depende kung may suggestion kayo. Nakasulat na rin dyan ang magiging flow ng concert..."

"So, hindi lang pala mga bata ang magiging audience namin?" kompirma ni Ayumi matapos mabasa ang program.

"OO. Naisip kasi ng may ari ng ampunan na mag-imbita ng mga magulang. Isang magandang experience iyon para sa mga bata na maramdaman na may kasama sila habang nanonood ng concert."

"Meron pa ba kayong tanong? Kung wala na mag-start na tayo, " sabi ni Rex.

Wala na naman kaming tanong kaya nag-umpisa na ang rehearsal.

May set up na stage dito sa studio na siyang ginamit namin.

Unang lalabas si Kid.
Then susundan siya ni Kent at ni Ayumi.
Bago ako.
Pagkatapos ay kakanta na kami ng magkakasama.

Si Kid na ang nasa stage at kumakanta.

Nasa baba naman kami nina Kent at Ayumi. Nasa malapit lang namin si Kim.

"Kim, puwede mo ba akong ikuha ng tubig?" bigla kong nasabi.

"Ah..." Parang nagulat pa si Kim, pero sumunod din. "Sige. Sandali lang."
Umalis siya, at bumalik agad na may dalang bote ng mineral water.

"Ah, juice na lang pala. Meron ba kayo dyan?"

"Juice? Teka..." Umalis uli si Kim. Pagbalik niya ay may dala na siyang juice.

"Wala bang mango flavor?"

"Mango?" Aalis uli si Kim.

"Hoy! Bakit ba utos ka ng utos kay Kim?" bigla akong sinita ni Kent.

"Bakit may masama ba?" sagot ko.

"Hindi utusan si Kim dito."

"Okey lang, Kent. Wait lang Black Spade." Muling umalis si Kim para kumuha ng juice.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon