<Kim POV>
Kaysa maubos ang oras ko kakaisip, tumayo na lang ako at nag-umpisang gumawa. Naglinis ako ng bahay, nagluto. Kung anu anong ginawa ko.
Pero in the end hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Daren.
Kinuha ko ang phone ko at itinext siya.
"Sige, payag ako na lumabas tayo, pero mamayang gabi na lang." Text ko.
"Mamayang gabi? Pero magbubukas ka ng tindahan, di ba?"
"Mag-oopen ako ng 10pm. 7pm na lang tayo."
"So, two hours lang tayo lalabas?"
"Bakit, kailangan ba mahaba?"
"..."
Iyon ang reply ni Daren.
Then nagreply siya ulit.
"Ok, daanan kita sa inyo ng 6:30."
"Ok."
End of conversation.
Itinago ko na ang phone ko at naghanda papunta sa Nekomi Entertainment.
Kailangan kong magfocus sa dance training, pero ilang beses ako nagkamali sa mga dance step.
"Pasensiya na po!" sabi ko agad.
"Kim, focus! Focus! Kung gusto n'yo talagang magdebut kailangan magpakitang gilas kayo!" sabi ng aming trainer.
Alam ko naman ang tungkol don kaya pilit kong pinaghuhusayan.
Pero parang malas talaga ako ngayong araw na ito.
Puro ako mali.
***
"Papunta na ko."
Nasa bahay na ako nang magtext si Daren.
Tumingin uli ako sa salamin.
Ok na ba ako?
Pinalatsa ko ang buhok ko. Naglagay ng light make up at nagsuot ng medyo bagong dress.
Siyempre, ayokong mapahiya sa harap ni Daren.
Inihanda ko na rin ang bag ko kung saan nakalagay ang mga pamalit para mamaya diretso na ako sa tindahan.
"Nandito na ko sa baba," text ni Daren.
Biglang kumabog ang dibdib ko.
Huminga na lang ako nang malalim bago bumaba.
Nandito na nga ang kotse ni Daren.
Mabilis akong lumapit at sumakay sa loob ng sasakyan niya.
"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko agad.
Sa halip na salita, malalim na tingin ang natanggap ko mula kay Daren.
"B-Bakit?" tanong ko.
"Ang cute mo," matipid niyang sagot,
Medyo nahiya ako sa sinabi niya. Hindi na lang ako nagsalita.
Pinaandar na niya ang sasakyan.
Dito ko na inulit ang tanong ko.
"Saan ba tayo pupunta? Sa Sunflower Garden ba?"
Ako na rin ang sumagot sa sarili kong tanong.
Sumulyap sa akin si Daren. "Tanda mo pa rin iyon?"
Hindi ako sumagot.
Ngumiti siya at iniba na ang usapan. "Kumusta na pala ang training mo?"
"Ok lang," sagot ko.
"Ayaw mo bang bumalik sa VT?"
"Ok na ko sa bago kong agency. Hindi ako sigurado kung magdedebut na ko this year, pero except kanina, matataas naman ang mga score ko kaya umaasa ako na mabibigyan ako ng chance."
BINABASA MO ANG
How to Love a Super Star
RomanceTanong: Paano magmahal ng super star? Sagot: Magsinungaling
