Chapter 37 *Dont' Give up

51 3 0
                                    

"Hello Kim?"

Kabababa ko lang ng bus nang tumawag si Mira.

"Kim.Can you please explain what's happening? Bakit sinasabi nila na nag two time ka? Sino iyong lalaki na kasama mo sa apartment mo?"

"Mira, mahabang kuwento. Ang daming nangyari, pero si kuya lang iyon. Basta ang alam nila niloko ko si Daren. Saka ko na lang ieexplain sayo. Ibababa ko na."

Ibinaba ko na agad ang phone ko.
Sigurado naman ako na maiintindihan ako ni Mira.

Alam ko iyon.

Ang hindi ko sigurado na makakaunawa sa akin ay si mama.

"Mama."

***

"Bakit gumaya ka pa sa akin?" malakas na sabi ni mama. Nasa bahay na kami ngayon.

Maagang nagsara ng tindahan si mama.

Sa palagay ko unang kita niya pa lang sa akin kanina sa tindahan ay alam na niya kung ano ang nangyari.

"Mama sorry po. Sorry." Ang tangi kong nasabi. Naiyak na ko.

"Anong plano mo ngayon? Kailan mo sasabihin sa boyfriend mo yan?"

Napakagat ako ng labi bago nagsalita. "Masisira po ang career niya."

"Eh, ang sayo? Paano ang career mo? Paano ang pangarap mo?"

"Ah..."

Natahimik ako. Napaisip. 
Tama naman kasi si mama.
Ang career ko. Ang pangarap ko.
Ang maging sikat.
Ang makasama Si Daren.

Parehas na iyong nawala sa akin.

Napaiyak na naman ako.

Bigla akong niyakap ni mama.

"Sige lang. Okey lang. Magiging maayos din iyan. Basta huwag kang susuko. Nandito lang si mama. Hindi kita pababayaan."

"Mama!"

Lalo nang lumakas ang iyak ko.

To have a mother.
That was the great part of life.

Salamat dahil naintindihan niya ko.

Salamat dahil naintindihan niya ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gabi.

Magkatabi kami ni mama sa higaan.

"Ma?"

"Ano iyon?"

"Hindi po ba naranasan nyo rin itong sitwasyon ko ngayon? Paano nyo po hinarap?"

Tumingin sa akin si mama.

"Parehas lang din naman ng gusto mo ang naisip ko noon. Ayokong sabihin sa Papa mo ang nangyari dahil alam ko na maaaring masira ang career niya, pero nalaman niya at tulad ng inaasahan, pinanagutan niya ko. Nagpakasal kami at nagpasya na magsama..."

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon