Chapter 19 *Lucky Cards Dillema*

75 4 0
                                        

Umaga.
Tinawagan ko muna si Kim bago ako pumunta sa VT.

"Hello Kim. Nasaan ka ngayon?" tanong ko.
Nag-aalala ako na baka makipagkita na naman siya sa vocalist kagabi.

"Nandito ako ngayon sa audition."

"Audition? Anong audition?"

"Kasama ko si Paola. Mag-a-audition kami para sa drama na..."

"Talaga? Puwedeng pakausap kay Paola?"

"Ah, sige."

"Hello Black Spade?" Si Paola na nga ang nagsalita. So nagsasabi ng totoo si Kim.
Mabuti naman.

"Ah, anong drama ang pag-o-auditionan n'yo?" tanong ko.

"Hindi mo alam iyon? Drama iyon ni Jao."

"Ni Jao?"

"O sige na. Papasok na kami. Mamaya mo na lang tawagan si Kim."

"Sandali lang, Daren?"

Si Kim na uli ang may hawak ng phone.

"Kim."

"Wish me luck!"

"Oo, galingan mo. Mahal kita."

"Mahal din kita," bulong niya bago niya tinapos ang tawag.

Hindi ko alam kung bakit, pero mula nang makita ko si Kim kasama iyong vocalist ay nag-alala na talaga ako.
Ayoko siyang mawala.
Hindi ako papayag na may umagaw sa kanya sa akin.

Nagbihis na ako at nagpunta sa VT.
Pagdating ko sa dressing room namin ay naabutan ko sina Percy at Z.
Wala sina Jao at Yuan.

"Nasaan iyong dalawa?" tanong ko.

"Nasa audition si Jao. Gusto niya kasing malaman kung sino ang magiging partner niya sa upcoming drama niya. Si Yuan hindi ko alam."

Naningkit ang mga mata ko. Nasa audition si Jao. Kung gayon kasama niya si Kim.
Asar. Magkasama sila.

"Daren, puwede bang ikaw naman ang tumawag kay Yuan? Hindi niya kasi kami sinasagot ni Z," biglang sabi ni Percy.

"Ano bang problema ng Yuan na iyon?" Napilitan akong tawagan si Yuan.

Hindi niya rin sinasagot.

"Baka kung ano nang gawin non!" Nag -aalala si Z.

Sinubukan ko ulit tawagan.
Ayon. Sinagot na.

"Hoy, Yuan! Nasan ka?"

"Daren. Pasensya na, pero nagpaalam ako kay Boss. I think I need a break."

"Dahil lang sa babae nagkakaganyan ka?"

"Hindi mo ko maiintindihan kasi mahal ka ni Kim. Di tulad ko." Binaba na niya ang phone.

"Yuan! Asar. Pinatayan niya ko."

"Mukhang dinidibdib niya talaga ang nangyari sa kanila ni Yana."

"Siguro pabayaan na muna natin siya," sabi ko na lang.

Ilang saglit pa ay dumating na ang make-up artist namin.
Saktong pagkatapos akong ayusan ay bigla nang nag-ring ang phone ko.

Kim is calling.

Sinagot ko agad ang tawag.

"Kim?"

"Daren! Daren!"

"Bakit?"

"Nakapasa ako! Nakapasa ako!"

"Ha?"

"Ako ang napili na maging bida sa drama na Loving You All Over Again."

How to Love a Super StarMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon