Chapter 6 *Her Side*

118 7 17
                                    

 Kimberly Santos POV

"Gusto kita!"Buong tapang kong inamin iyon sa ultimate crush ko na si Ivan Marino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Gusto kita!"
Buong tapang kong inamin iyon sa ultimate crush ko na si Ivan Marino.
School mate ko si Ivan at crush ko na siya simula pa first year.
Para sa akin siya ang pinaka guwapo at magaling kumanta sa lahat. Vocalist siya ng isang banda sa school namin.

Isinakto ko talaga sa intrams ang pagtatapat---Nang kaming dalawa lang ang naiwan sa room.

I gave him my biggest smile, pero...

"Pasensiya ka na. May iba na kasi akong nagugustuhan. "

Ni-reject niya ako right away.

Nang mga oras na iyon, pakiramdam ko nasayang ang halos apat na taon kong paghanga sa kanya.
Sa ganito lang pala mauuwi.
Sa pagkabigo.

"Okay lang iyon. Marami pa namang ibang lalaki riyan," sabi ng kaibigan kong si Paola.

Kasama ko siya at ang isa ko pang kaibigan na si Mira dito sa canteen.

Kumakain si Paola ng fries habang nagpapayo sa akin. "Mag-focus ka na lang muna sa ibang bagay para makalimutan mo siya," sabi niya.

"Oo tulad ng ginagawa mo. Sobrang busy sa pag-aartista," sabi naman ni Mira kay Paola.

Nasabi iyon ni Mira dahil talent si Paola sa isang agency. Lumalabas na nga siya sa mga commercial at drama sa TV, pero hindi pa siya ganoon kasikat.
Para sa akin, bagay naman sa kanya ang mag-artista dahil maganda siya. Maputi ang kanyang balat at mahaba ang buhok. Hindi nga lang siya katangkaran at medyo chubby ang pisngi. Samantalang si Mira--- dahil sa taglay  na ganda ay maraming natatanggap na offer para maging model.
Parehas kaming agree doon ni Paola na talagang pang beauty queen ang ganda ni Mira. Matangkad siya, maputi, matangos ang ilong. Makintab rin ang mahaba niyang buhok na puwede sa commercial ng shampoo. Matalino rin si Mira at mahinhin, di tulad namin ni Paola na magaslaw kumilos at average lang lagi ang grade sa school.

Pero kahit maraming offer si Mira, hindi naman niya tinatanggap dahil study first ang motto niya.

Pero kahit maraming offer si Mira, hindi naman niya tinatanggap dahil study first ang motto niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okey na ako. Salamat sa inyo," sabi ko kina Paola at Mira taglay ang matamis na ngiti.

Masakit talagang ma-reject,  pero ganoon talaga. Kailangan tanggapin.
Kumain na lang ako ng fries at uminom ng shake para gumaan ang pakiramdam ko, pero ang totoo gumaan talaga ito dahil sa dalawa kong mga kaibigan.

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon