Chapter 29 *The Truth*

60 5 0
                                    

"Daren?"

Tapos na ang event, pero nandito pa rin ako.
Nakita ako ni Kim.
Hindi lang ako sigurado kung inasahan niya talaga na narito pa ako o nagbakasakali lang siya.

"Nasaan na ang mga kasama mo?" tanong ko.

"Nagbibihis iyong iba, pero sina Edward at Ayesha, umuna na," sagot ni Kim bago siya tumingin sa akin ng diretso. "Daren, sorry talaga."

Narinig ko na naman ang salitang iyon.
Sorry.
Lagi na lang humihingi ng tawad sa akin si Kim.

"Pinilit naman natin di ba? Na maging tayo, pero mukhang hindi tayo para sa isat isa kaya kahit anong pilit natin ayaw talaga. Ganito lang talaga siguro ang buhay ng mga nagmamahal ng super star. Hindi nagiging maganda. Masalimuot. Hindi happy ending."

"Kim."

"Sabi mo kanina gusto mo nang makipagbreak. Sige, payag ako. Mukhang iyon naman kasi talaga ang tamang gawin, para hindi ka na masaktan. Sana maging masaya ka sa iba. Paalam, Daren."

Tumalikod na si Kim.

At habang lumalayo siya pakiramdam ko sumisikip ang dibdib ko.
Ayoko siyang mawala, pero bakit hindi ko masabi.
Gusto ko siyang sundan, pero hindi ako makahakbang.

Kim.

Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

"Daren!"

Si Rex.

"Nandito ka pa pala. Nakita mo ba si Shawn?"

"Shawn?"

"Iyong kapatid ni Kim. Kanina ko pa siya hinahanap, pero hindi ko siya makita."

"Nandito ang kuya ni Kim?" tanong ko. Hindi ko kasi iyon alam.

"Hindi mo ba kilala ang kapatid ni Kim? Anak siya ni Reon."

"Oo, alam ko iyon pero hindi ko pa siya nakikita."

"Ha? Daren. Joke time ba?"

Napakunot ako ng noo. "Bakit?"

"Anong hindi pa nakikita ang sinasabi mo. Kasama natin dati sa training school si Shawn."

"Kasama natin dati?"

"Pero kung sa bagay nag-quit siya in the middle of the training kaya baka nakalimutan mo na."

"Baka nga."

"Oo, pero kilalang kilala mo pa rin siya ngayon dahil sikat na siya. si Shawn Edward."

Bigla akong natigilan.
"Anong sinabi mo?"

Narinig ko ba ang pangalang Edward?

"Oo. Si Edward. Shawn Edward Santos ang tunay niyang pangalan.

Napailing ako.

Totoo ba ang sinasabi ni Rex?

"Rex, hindi mo ba ko niloloko?"

"Bakit naman kita lolokohin?

"Kung gayon... magkapatid sina Kim at Edward?"

Kung magkapatid sila ibig sabihin... Hindi si Edward ang tatay ni Ayesha.
Posible kaya na...

Agad akong umalis.
Hinanap ko si Kim.

"Kim?"
Mukhang wala na siya.
Pupuntahan ko na lang siya sa kanila.
Sumakay na agad ako ng sasakyan.
Papaandarin ko na nang may tumawag.
Si Percy.

"Nasaan ka na?"

"Patakpan muna ako. May importante lang akong gagawin."

"Ano?"

"Magkapatid sina Kim at Edward."

"Ha?"

"Bye na!"

Pinatakbo ko na agad ang sasakyan.

Kim.
Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko ngayon.
Kinakabahan ba ko?
Masaya?
Natatakot?
Ewan ko.



Ah.
Napahinto ako nang makita ko si mama sa gilid ng kalsada. Nasa tabi lang siya ng kanyang kotse na kasalukuyang inaayos ng driver.

"Ma." Bumaba agad ako para lapitan si mama. "Anong nangyari?"

"Daren."

"Sir Daren. Medyo nagkaproblema lang ang sasakyan ni Madam, pero maaayos ko rin po ito," sabi ng driver.

"Saan ba ang punta nyo ma? Sumabay na lang kayo sa akin."

"Ah. Ang totoo niyan, Daren..." Parang alangan si mama na magsalita.

Teka...
Naalala ko noong nakaraan nakita ko rin siya rito.
Hindi kaya...

"Ma, pupuntahan nyo ba si Kim?"

"Ah!" Napatingin sa akin si mama. "Alam mo na?"

"Ang alin?"

"Pumupunta ako kay Kim para makita ang apo ko."

Bigla akong natigilan.
May alam si mama?

"Daren, sorry kung inilihim ko sayo. Ayaw kasing ipasabi ni Kim na kaya siya umalis noon. Kaya ka niya iniwan ay dahil buntis siya. Ayaw niyang masira ang grupo nyo kaya lumayo na lang siya."

"Ano?"

"Nito ko lang din sinabi sa ate mo ang tungkol dito. Nagpilit siya ng DNA test kaya kumuha ko." May kinuhang envelop si mama sa bag niya.

"Eto. Ikaw na ang magbukas."

Kinuha ko ang envelop. Kasabay noon ang pagtakbo ko pabalik ng sasakyan.

Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang makita si Kim.

***

Si Ayesha ang nagbukas ng pinto.

"Black Spade. Anong ginagawa mo rito?"

Ang batang ito, anak namin ni Kim?
Gusto ko siyang yakapin.
Gusto ko siyang yakapin.

"Pasok ka. Nasa kusina si mama. Pupunta lang po ako sa kuwarto ko."

Pumasok na nga ako.
Umalis naman si Ayesha.
Hinabol ko siya ng tingin.
Hindi ako makapaniwala na may anak na ako. Anak namin ni Kim.

Pinuntahan ko na si Kim sa kusina.
Naabutan ko siya na nakasubsob sa lamesa ang mukha.
Mukhang nakatulog siya.

"Kim..."

Hinawakan ko ang buhok niya.

"Bakit inilihim mo ang lahat? Kung sinabi mo lang, hindi na tayo umabot sa ganito."

Oo, hindi na.
Dahil kung alam ko lang.
Hinding hindi kita pakakawalan.
Sinabi ko na naman. Para sayo, lahat kaya kong iwan. Kahit career ko.

Kinuha ko ang envelop ng DNA result.
Binuksan ko ito at binasa.
Namilog ang mga mata ko sa aking nakita.

Negative.

Lokohan ba ito?

How to Love a Super StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon