"Ang Playgirl"
---------
PAUNAWA: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Ano mang kapangalan ng tao o lugar na nabanggit ay hindi sinasadya kundi nagkataon lamang at wala silang kinalaman sa kwento. Gabayan po ninyo ang mga bata kung babasahin nila itong kwento.
--------
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.
This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.
*******
Si Gilda ay isang napakagandang dilag sa kanilang nayon. Mula pagkabata ay pinalaki siya sa layaw ng kanyang mga magulang kahit hirap sila sa buhay. Gusto nilang yumaman at pinangarap nilang makapag-asawa si Gilda ng isang mayaman.
Dahil laki sa layaw si Gilda ay naging matigas ang kanyang ulo. Naging makasarili at mapang mata. Lagi niyang ipinagmamayabang na siya ang pinakamaganda kung hindi man sa kanilang nayon kundi sa buong bayan nila.
Lalong lumaki ang kanyang ulo ng lagi na lang siya ang nanalo sa alin mang beauty contest na kanyang sinasalihan kaya maraming mga lalake ang nanliligaw sa kanya.
Mapaglaro sa pag-ibig si Gilda. Bawat manliligaw niya ay kanyang sinasagot pangit man o gwapo, bata man o matanda, binata man o may asawa basta't may dala silang mga regalo sa tuwing siya ay dadalawin.
Lahat ay kanyang pinapasakay na sila lang ang kanyang nobyo at ipaglihim ang kanilang relasyon kung hindi ay kaniyang hihiwalayan.Tuwang-tuwa naman ang kanyang mga magulang dahil nagtatamasa sila sa mga bigay ng mga manliligaw ni Gilda. Kapag sawa na si Gilda sa karelasyon niya ay kanya na itong iniiwan. Kaya marami na siyang pinaasa, pina iyak at sinirang mga tahanan.
Kilalang-kilala na si Gilda sa kanilang nayon na isang gold digger at playgirl pero marami pa rin ang nababaliw sa kanya. Isa na rito ay si Mang Lucas isang matandang binata na may ari ng pinaka malaking grocery sa palengke. Nakilala niya si Gilda minsan bumili ng mga groceries ito kasama ang nanang ni Gilda sa kanyang tindahan.
Halos araw-araw ay umaakyat ng ligaw si Mang Lucas at may dalang maraming regalo. Hanggang sa sagutin siya ni Gilda. Sa tuwa ng matanda ay lalo niyang dinamihan at nilakihan ang kanyang mga regalo. Para lalong mahumaling ang matanda kay Gilda ay hinahayaan niyang siya ay halikan at hawakan kahit sa maseselang parte ng kanyang katawan maliban sa pagniniig at alam ito ng mga magulang ni Gilda.
Sa kabaliwan ni Mang Lucas kay Gilda ay hindi na niya namalayang ubos na ang kanyang ipon sa bangko. Ang kinita niya sa pagsasanla at pagbebenta ng kanyang mga ari-arian ay nawaldas rin lahat. Said na siya at wala ng tindahan. Ang masakit ay ng huling dalawin niya si Gilda ay nakipaghiwalay na sa kanya at ipinagtabuyan pa siya.
Hindi nakayanan ni Mang Lucas ang sakit na naramdaman kaya isang gabi ay bumalik siya sa bahay nina Gilda. Sa isang malaking puno ng sampalok sa harap ng bahay nina Gilda ay nagbigti si Mang Lucas matapos isigaw ang....
"Isinusumpa kita Gilda sa ngalan ng mga demonyo sa impiyerno." At umulan ng malakas kasabay ng mga matatalim na kidlat.
Marami ang naawa kay Mang Lucas at lalo silang nagalit kay Gilda. Lahat ay pinagtawanan lang niya.
"Kasalanan ko ba kung mahumaling sila sa kagandahang ito?" ang katwiran niya.
Isang gabing tatlong araw ng lumipas matapos magbigti si Mang Lucas ay may isang nilalang ang lumitaw sa ilalim ng puno ng sampalok at pumasok sa kwarto ni Gilda. Nakahiga ang dalaga sa kanyang kama at masarap ang tulog. Wala siyang kumot at naka manipis na pantulog lang. Nakalilis ang kanyang damit lampas hita.
BINABASA MO ANG
Triplets (Completed)
HorrorSa kadiliman ng gabi ay maraming kakaibang nilalang na nagmamasid sa atin at handang maghasik ng lagim ng hindi natin inaasahan. Mga nilalang na kahit sa ating guniguni ay ating katatakutan. Isang maligno ang nagkagusto kay Gilda at kanyang ginahas...