Part 18 . . . Tatlong Higanteng Halimaw

212 10 2
                                    


"Tatlong Higanteng Halimaw"

---------

Pinagpapawisan si Inspector Villa habang nakasilip sa kanyang largabista. Nangingilabot ang buo niyang katawan. Nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan.

"Oh God save us all!" Bulong niya.

Parang nangingisay ang triplets. Napirat at kanilang balat. Nabiyak ang buo nilang katawan mula sa kanilang mga leeg pababa sa baywang. Lumalabas ang tatlong panibagong mga katawan na nagsimula sa mga balikat at mga kamay. Tatlong katawan na ang nakadugtong sa iisang baywang. Parang muli silang isinisilang.

"Gwarhhhhhhkkkk!" Sigaw ng tatlong halimaw. Walang kulay ang kanilang mga mata. Puro puti at dilat na dilat na nakatingin sa kawalan. Tumutulo ang mga laway sa kanilang mga bibig na nakanganga. Sumasayaw ang kanilang mga katawan na parang gustong makalabas sa isang maliit na butas.

Tumayo lahat ang mga buhok sa ulo ni inspector. Hilakbot na hilakbot siya sa kanyang nakikita. Sinilip niya si Estong. Nakasiksik ito sa mga bato at nanginginig ito sa takot. Ikinasa niya ang granade launcher. Tantiya niya ay kayang abutin ang mga halimaw habang wala pa sila sa kanilang mga sarili.

"POMP! POMP! POMP!

"BROOM! BROOM! BROOM!"

Inubos niya ang laman ng isang magazine. Sumabog ang mga granada sa katawan ng mga halimaw. Lalo lang napadali ang paghihiwalay ng triplets. Lagpas na sa baywang ang nakalabas sa kaniya-kaniya nilang katawan. Hindi na nagkarga ng granada si Inspector Villa. Mabilis siyang bumaba ng puno. Delikado siya dahil tatlo na ang mga higanteng halimaw.

"Emergency Alert!" Tumatawag siya sa kanyang superior.

"Yes inspector!!"

"Sir magdeclare kayo ng Emergency Alert! Tatlo na ho ang mga halimaw. Kasalukuyan silang naghihiwalay ngayon. Evacuate all civilians palibot dito sa kabundukan. Tiyak gutom sila at bababa sila sa mga bayan. Sir hindi na sila tinatablan ng mga granada ko!" Report niya sa kanyang superior.

"Oh God! Ok inspector. I will call the Sec. of National Defense." Sagot ng kanyang superior.

"Over and out sir!" Tumatakbo siya ng mabilis pababa sa bundok. Naalala niya ang sinabi ng nuno sa punso na matapos niyang mapa-inom ang mga halimaw ay bumalik siya sa nuno. Iiwan na muna niya si Estong tutal hindi gagalawin ng mga halimaw ang matanda. Tinawagan niya ang piloto ng helicopter at nagpapasundo siya sa paanan ng bundok.

--------

Nakatawag ang Chief ng PNP sa Sekretaryo at ipinarating ng Sekretaryo ang masamang balita sa presidente. Nagdeklara ng Martial Law ang presidente sa Kalakhang Maynila at mga karatig na probinsiya muna. Lahat ng mga armor units ay inutusang pumunta ng Kalakhang Maynila para protekrahan ang mga sibilyan. Dineploy sila kasama ang mga halong Marines, Army at PNP personnels sa Marikina, Antipolo, Caloocan, Laguna, Rizal, Batangas at iba pang mga karatig bayan malapit sa kabundukan kung saan nagtatago ang mga halimaw. Pinalilikas nila ang mga tao. May ayaw sumunod na matitigas ang mga ulo. Ayaw nilang iwanan ang kanilang mga bahay at negosyo.

---------

Tuluyan ng maghiwa-hiwalay ang triplets. Isang malaking tumpok na balat ang nagsimulang malusaw ang nasa paanan nila. Bumalik na ang kulay ng kanilang mga mata. Lalong naging mabalasik ang hitsura ng kanilang mga mukha. Para silang mga lobong hinipan. Tumangkad sila hanggang sa sampung metro na mga mahigit sa tatlongpung piye. Lalong umitim ang kulay ng kanilang balat at kumapal pa. Lumaki ang kanilang mga kamay at paa na may makakapal at mahahabang kuko ang mga matatabang mga daliri.

"ESTOOOOONNNGGGGG!" Sigaw ni Pula na higante na ang boses.

"Poooooo!" Sagot ng takot na takot na matanda.

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon