Part 13 . . . Sabog si Ngipin

205 14 1
                                    


"Sabog si Ngipin"

------------


"Gwarhhhhh!" Sigaw ng mga halimaw na patakbong umakyat sa kabundukan. Pumasok sila sa kakahuyan. Galit na galit sila.

Hindi akalain ng heneral na lalaban ang mga halimaw. Napatay pa ang ililigtas sana nilang senador. Biglang nag-flash sa news tv ang nangyaring enkwentro. Ipinapakita ang paglaban ng mga halimaw at ang pagkain sa senador. Isang camera man ng isang foreign news network ang patagong nakakuha ng video. Nag ring ang telepono ng heneral at pinagsa-submit siya ng battle report ng nasa itaas. Kung bakit pumalpak ang planong iligtas nila ang senador.

"Report how many casualties we have!" Tawag niya sa radyo sa kanyang mga field officers. Isa ang tumugon.

"Sir we have 89 dead on the spot ang more than two hundred wounded that are accounted so far. We are verifying from the other units how many casualties they have." Sabi ng isang kapitan.

"Evacuate all casualties and regroup. Reinforcemets are coming from the other side of the lake." Utos niya.

"Armor units where you?"

"We are entering the battle zone area sir." Tugon ng isang commanding officer ng mga tangkeng paparating sa paanan ng kabundukan. Nahuli sila ng dating.

"Secure the area. Don't let the monsters pass your line!"

'Yes sir!"

Tinignan ng heneral ang mapa na nakadikit sa black board. Malawak ang kabundukan sa southern sector ng lawa na mapagtataguan ng mga halimaw. Nakaramdam na ng takot ang heneral.

--------------

"Silence men. Walang gagalaw." Utos ni Inspector Villa. Ikinasa niya ang kanyang hawak na armalite model M16A1 na may 30 rounds na bala ang magazine at 203 granade launcher na 40mm ang laki ng granada. Siniguro niya na may lamang granada ang launcher ng armalite. Gamit ang night vision goggle ay tinitignan niya ang ibaba ng bundok. Narinig nila ang mahabang putukan kanina. Ngayon ay tahimik na. Nasa position na ang labing limang tauhan niyang SAF sa likod ng mga punong kahoy. Nasa likod siya ng isang malaking batong nakausli.

"Wraaaahhhh!"

Sumisigaw si Itim sa galit. Hawak nila si Estong. Paakyat pa rin sila sa bundok na may kadulasan ang lupa dahil sa hamog. Dahil sa galit ay nagmamadali silang makaayat sa inaakala nilang ligtas na lugar.

"Prattttt! Praaatttt! Praaatttt!"

"Argggghhhhh! Arkhhhhh! "

Biglang umulan ng bala. Nasa itaas sina inspector.

"Don'stop firing hanggang maubos ang ating mga bala."sigaw ni inspector sa radyo niya.

"Praattttt! Praatttt"

"Swiiissssshhh!" "Braggg! Bog"

"Agghhhh! Ughhh! Ayeeee!"

Gumanti ang mga halimaw. Nagpaulan din sila ng mga durog na bato matapos ibaba si Estong na nagtago sa mga puno. Sapol ang karamihan sa mga tauhan ni inspector kahit nasa likod na sila ng mga puno.

"Yahhhhhhh!" Praaaaaattttttttt!" Sigaw ni inspector at inubos ang lamang bala ng ikatlo niyang magazine. Nakaharap sa kanan ang mga halimaw kaya tumayo si inspector sa ibabaw ng malaking bato. Pagharap sa kanya ng triplets ay tumalon siya.

Nakita siya ni Ngipin!

"WRAAAAHHHHHHGGGGG!" Sigaw ni Ngipin.

"CHUNG!" " BROOOOM"

Pumasok ang 40mm na granada sa nakabukang bibig ni Ngipin at sumabog.

"ARAYYYYYYYY" Sabay na sigaw nina Pula at Itim. Sumabog ang buong ulo ni Ngipin. Natira ang ibabang panga na may ilang itim na ngipin pa at wakwak na leeg. Lumaylay ang natirang panga. Nawala na ang kabuuan ng ulo. Naligo sa dugo at mga pirasong utak sina sina Pula at Itim.

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon