Part 12 . . . Bala Laban sa Bato

212 11 0
                                    

"Bala Laban sa Bato"

----------

Hindi inakala ni Inspector Valle ang pagbagsak ng isang helicopter ng Phil. Air Force. Tumaas ang lipad ng kanilang helicopter. Isang helicopter naman ng PAF ang bumaba sa ibabaw ng lawa upang tignan kung may nakaligtas sa kanilang mga kasamahan.

Nagdatingan ang mga trucks ng mga Marines, Army at SAF ng PNP sakay ang mga sundalong naka full battle gears. Palilibutan nila ang buong lawa at kabundukan para hindi sila matakasan ng triplets. Isang three stars general ang naatasang mamuno sa task force na binuo. Ginawa niyang Command Center ang isang gusali ng La Mesa Dam. Inabot sila ng dilim sa paghahanda. Dumami na rin ang mga taga media lalo na ang taga ibang bansa. Nagka interest sila mula ng ma-live telecast ang nangyari sa warehouse. Nasa news sa mga channels sa tv ang close up photo ng senador na bihag ng triplets. Hindi nila kilala si Estong na kasama sa ibinalita.

"Estong! Anong lugar ito?" Tanong ni Itim. Papadilim na. Wala na silang naririnig na ingay sa itaas.

"Pula nagugutom na ako!" Sabi naman ni Ngipin.

"Hindi ko alam kung anong lugar ito. Hindi pa ako nakapunta rito." Sagot ni Estong.

"Nagugutom na ako Pula. Kainin ko na ang isang ito." Muling sabi ni Ngipin at masama ang tingin sa senador na nanginig sa takot.

"Huwag! Siya lang ang pag-asa ninyo para makatakas dito. Walang babaril sa inyo kung kasama ninyo siya! Isa siyang importanteng tao!" Sigaw ni Estong.

"Gaano ka ka-importanteng tao?" Tanong ni Itim. Nabuhayan ng loob ang senador at umiral ang kanyang kayabangan. Tumayo siya.

"Pinuno ako ng maraming tao at sinusunod nila ang mga utos ko." Sabi niya ng may pagmamalaki.

"Kung talagang importante kang tao. Kailangan namin ng pagkain. Padalhan mo kami ng pagkain." Sabi ni Pula. Napa-isip ang senador. Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa. Nakita ito ng triplets.

"Ano yan? Pumuputok ba yan?" Tanong ni Ngipin.

"Tawagan ito! Tatawag ako sa aking tauhan para magpadala sila ng pagkain dito."

"Sige! BILISAN MO!" pasigaw na sagot ni Ngipin.

Tumawag siya sa kanyang chief of staff.

"Hello. Ako ito! Kailangan ng mga halimaw ng pagkain. Gawan mo ng paraan kung hindi ako ang kanilang kakainin."

"Nasaan kayo sir?" Tanong ng staff.

"Nasa bundok kami at katabi ko ang mga halimaw. Bilisan mo. Gutom na sila."

"Sige sir at sasabihin ko sa namumuno ng mga sundalong naghahanap sa inyo."

"Bilisan mo!"

"Yes sir!"

Narinig ng triplets ang usapan ng dalawa. Umupo sila at naghintay. Lumipas ang isang oras. Muli silang tumayo. Kinakabahan naman ang senador.

"Bakit wala pa." tanong ni Ngipin.

"Tatawag ako ulit!" Sagot ng senador. Nanginginig ang kamay na muling dinukot ang kanyang cp.

"Hello! Ano na? Bakit ang tagal?"

"On the way na sir! Hindi naman kasi basta pagkain ang kailangan nila!" Sabi ng staff na nasa command center na at katabi ang CO na three stars general.

"Sabihin mo lumabas sila sa tabi ng lawa para makita sila at maibaba ang kanilang pagkain," bulong ng CO sa staff. Sinabi ng staff kay senador ang sinabi ng CO.

"Kailangan ay makita raw kayo. Bumaba kayo sa lawa!" Sabi ng senador sa triplets.

Nagtinginan ang triplets.

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon