Part 10 . . . Nakawala angbTriplets

193 12 3
                                    

"Nakawala ang Triplets"

---------


Dumating ang naraming taga media sa na pang lokal at international news networks sa warehouse kinabukasan ng umaga. Nagset-up sila ng kanilang mga malalaking kamera sa gitna ng warehouse. Ang mga news anchors at reporters ay kanya-kanya ng lugar at daladalang mga hawak nilang mike. May ginawang elevated ramps na nagsilbing upuan. Ang mga politikong gustong  laging nasa nga balita ay dumating din at naka-upo sa bahaging kaliwang ramp sa loob ng warehouse. Sa kanang bahaging ramp ay naka-upo ang mga mayayaman na kilala at kaibigan nina Steve at Roger. Sa dulo ng warehouse ay may isang bakang nakatali. Nakapalibot sa kulungan ang apat na tauhan ni Roger na may hawak na tranquilizer guns. Ang iba ay high powered na armas. Katabi ni Steve sa mga upuan ang kanyang mga barkada at nagyayabang na nagkukwento tungkol sa mga halimaw. Malapit sa dulo ay nakatayo sina Roger at Estong. Tinitignan ni Roger ang kanyang relo. Anytime ay magigising na ang triplets.

Sa daan ay nakarada ang dalawang itim na SUV. Sakay sina Inspector Valle at ang mga pinili niyang walong  SAF members. Malalakas na armas ang kanilang mga dala. Nalaman ni inspector na may press conference si Roger tungkol sa sinabi niyang bagong huli kaya inisip niya na ang mga halimaw ang tinutukoy ni Roger.

Pumunta sa harapan ng mga taga media si Roger. Nakapokus sa kanya ang kanilang mga kamera. Bumukas ang mga malakas na ilaw at naiilawan si Roger.

"Ladies and gentlemen any moments now you will witness beyond your imaginations the greatest wonder of the world. I had hunted  almost all the wildest animals around the world but they are mere puppies compare to this animal hidden behind the curtain." Sabi niya na may pagmamalaki.

"Anytime soon this wonder of the world will wake up."sabi pa niya. Naging excited ang lahat na nasa loob ng warehouse.

"ESTTTOOOOOONNGGGG" Sabay na sigaw nina Ngipin at Pula. Nagising na sila.

Nagulantang ang lahat sa narinig nilang malakas na sigaw na nag-echo pa sa loob ng warehouse. Kinilabutan ang karamihan sa kanila.  Bukasan ang mga malalaking ilaw na nakatutok sa kulungan. Isinabit na ang baka sa hook ng over head crane at itinaas ito.

"LADIES AND GENTLEMEN BEHOLD THE GREATEST WONDER OF THE WORLLLLDDD!" Sigaw ni Roger at bumaba ang lonang nakapalibot sa kulungan.

"EEEEEEEEE!" Sigawan ang ilang mga babae ng makita nila ang triplets. Nagtayuan ang mga naka-upo. Halos sumisigaw na ang mga reporters sa kanilang pagbabalita.

Tumayo ang triplets na nagulat rin. Nasilaw sila sa mga ilaw pero panandalian lang. Tinignan nila ang mga maraming tao sa labas ng kanilang kulungan. Hinananap nila si Estong.

"Pula ang daming pagkain." Sabi ni Ngipin.

"Oo nga Ngipin. Nasaan kaya si Estong?"

Ang hinahanap nilang si Estong ay nagtago sa ilalim ng mesa. Nanginginig sa takot.

"ESSTTTOOOONGGGG!" Sigaw ni Itim.

"Roger nakapagsasalita sila! Sino ang hinahanap nilang Estong?" Sabi ng isang reporter.

"Oo nakapagsasalita sila. Si Estong ang nagpalaki sa kanila. Nasaan na nga ba siya?" Sabi ni Roger. Hinahanap na niya rin si Estong. 

Lumapit ang triplets sa rehas at humawak. Tinitignan nila ang bawat tao. Naglalaway si Ngipin dahil sa gutom na nararamdaman. Hindi sila gaanong makahakbang dahil sa mga posas sa kanilang mga paa.

Patuloy ang pagkuha ng video ng media at live sa buong mundo ang telecast. Namamangha at natatakot ang mga nakakapanood sa kanila. Tuwang-tuwa si Roger dahil sumisikat siyang lalo.  Naka inset siya sa video. Kinukuhanan pa ng close-up ang bawat ulo ng triplets.

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon