Chapter 7 . . . Wild Animal Hunter

235 7 0
                                    


"Wild Animal Hunter"

-----------

Maynila, magulong siyudad pero pilit pa ring dinadayo ng mga taga malalayong lugar lalo na ang mga taong hindi alam ang totoong kalakaran dito. Halo-halo ang mga tao. Mayayaman at mahihirap, manloloko at nagpapaloko, tuso at bobo, masisipag at tamad, at marami pang iba pero iisa ang kanilang gusto ito ay ang manirahan dito sa siyudad na magulo.

Nakarating si Estong sa Pandacan. Matagal na siyang pa-ikot-ikot sa Maynila at hindi alam kung saan pupunta. Mabuti at gabi na at hindi gaanong punahin ang minamaneho niyang van. Isang daan sa gilid ng Pasig river ang kanyang tinatahak. Hanggang sa makita niya ang isang lumang planta ng pagawaan ng bakal. Huminto siya sa tapat ng gate. Bumaba siya sa van at lumapit sa gate, walang gwardiya. May kadenang bakal na naka padlocked ang gate. Bumalik siya sa van at naghanap ng pambukas ng padlock. Isang malaking putol na tubong bakal ang kaniyang nakita at kinuha niya. Bumalik siya sa gate at pinalo ng tubo ang padlock. Nasira ito. Tinanggal niya ang kadenang bakal at binuksan ang gate.

Ipinasok niya ang van. Huminto siya at muling bumaba. Isinara niya ang gate at ibinalik ang kadena na nakasabit na lang ang sirang padlock. Sumakay siya sa van at naghanap ng mapaparadahang lugar na hindi nakikita ang van sa labas. Isang malaking bodega na walang pintuan ang nakita niya. Ipinasok niya ang van sa loob. Binuksan niya ang pinto sa likod ng van.

"Bakit ang tagal mong magbukas Estong?" Galit na sabi ni Ngipin na nanlilisik ang kanyang mga matang nakatitig kay Estong. "

"Naghanap pa kasi ako ng pagtataguan nitong sasakyan." Na nanginig sa takot. Umatras siya ng bumaba ang triplets.

"Ngipin hayaan mo na si Estong. May naamoy akong pagkain." Sabi ni Pula.

"Ako rin!" Si Itim na lumingon sa isang bodegang wala ring pintuan.

"Wala namang tao rito. Baka ang nasa labas ang naamoy ninyo?" Sabi ni Estong. Lumakad ang triplets papunta sa kabilang bodega. Napasunod si Estong na nagtataka.

Pumasok sila sa bodega. Nakita nila ang isang gwardiya na nakahilata sa isang katre. Tulog. Nilapitan nila ang gwardiya. Biglang tumalikod si Estong. Narinig niya ang paglagutok ng buto. Lumingon siya. Sakmal ng triplets ang katawan ng gwardiya at ginunguya ni Ngipin ang ulo nito. Lumabas na lang kaagad si Estong.

"HOY! ANONG GINAGAWA MO RITO? MAGNANAKAW KA ANO?" Napahinto si Estong ng isa pang gwardiya na nagroronda at galing sa likuran ng bodega sa gilid ng ilog. May hawak itong flashlight at iniilawan ang mukha ni Estong.

"Bossing naghahanap kasi ako ng kubeta!" Ang nasabi ni Estong.

"Ano ako tanga? Tumalikod ka!" Kinakapa ng gwardiya ang kanyang mga posas. Nang may marinig siyang ingay mula sa kanyang likuran. Ingay ng ngumunguya. Lumingon siya at inilawan ang ingay.

"AAYAAAEEEEIIIIII!"

Mukha ni Ngipin ang kanyang nailawan at nakalabas sa bibig nito ang isang paa hanggang binti ng unang gwardiya at nginangata ni Ngipin. Dinaklot siya ni Pula at itinaas. Inilapit siya sa bibig ni Pula.

"Ayeeeeeiii! Huwag po!" Gamit ang dalawang kamay ay itinutulak niya ang makapal na labi ni Pula. Biglang ngumanga si Pula at kinagat ang dalawa niyang mga kamay hanggang braso. Putol.

" Ahhyeiiiiii!"

Sumunod si Itim at isinubo ang kanyang ulo.

-----------------

Sa sala ng isang penthouse ay nakaupo sa leather na sofa si Roger Stan isang Half German half Pilipino. Nanonood siya ng news sa malaking tv. Kumikislap ang kanyang mga mata habang hawak ang isang kopita ng red wine. Ipinapalabas sa headline news ang video ng Triplets na nakuha sa camerang napatay na camera man.

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon