Chapter 6 . . . Triplets sa Maymila

241 9 0
                                    


"Triplets sa Maynila"

--------

Pagod na si Estong sa kakasunod sa triplets. Madilim pa lang ay umalis na sila sa guwang. Hindi balakid ang kadiliman sa triplets. Pinagmamasdan sila ni Estong. Habang tumatanda ay tumatalino sila at mabilis ang paglaki. Ilang buwan lang mula ng sila ay isilang ngayon ay mahigit sa 7 piye na ang taas nila. Lalo silang tumakaw sa pagkain. Masakit ang naging parusa kay Estong sa kaniyang pamilya dahil sa kasakiman sa pera. Gusto man niyang magsisi ay huli na. Ngayon ay sunudsunuran na siya sa triplets. Para siyang nahipnotismo.

Malayo na ang nilakad nila na halos ay nasa kabila na sila ng bundok. Paminsan minsan ay lumalagok siya ng tubig sa dalang bote. Kapag may nadadaanan silang batis ay pinupuno niya ng tubig ang bote at kumakain ng saging na pinipitas niya sa mga saging gubat na kahit maliliit ay matatamis.

Hapon na ng marating nila ang bukana ng gubat at naririnig ang ingay ng mga sasakyang dumadaan sa malaking highway. Huminto sa paglakad ang triplets sa tabi ng ilang malaking punong kahoy. Napansin ni Estong na parang ina-amoy nila ang hangin.

"Pagkain!" Sabi ni Ngipin.

"Estong mauna ka. Tignan mo kung saan ang pagkain namin!" Atas ni Itim.

Naglakad si Estong. Paglampas niya sa mga puno ay nakita niya ang isang baka. Nakatali ito at kumakain sa damuhan.

"Nasaan kaya ang may-ari ng bakang iyon."

Palinga-linga siya sa paligid. Wala siyang makitang tao. Lumapit siya sa baka. Kinalas niya ang pagkakasoga nito at hinila ang baka papunta sa gubat.

Pagkakita ng triplets sa baka ay...

"Pagkain!" Sabi ni Pula sa malaking garalgal na boses.

Lumayo na si Estong sa baka. Pinukpok ni Itim ng kamao ang ulo ng baka. Napaluhod ito at nabiyak ang ulo. Umatungal ng malakas ang baka. Hinawakan nila ang dalawang unahang paa at hinila. Napirat ang balat at laman. Naputol ang mga paa. Bumulwak ang dugo sa nawawak na katawan na agad nilagok ng triplets at sinimulan na nilang kagatin ang tiyan ng baka. Tumalikod na lang si Estong at iniwan sila.

Bumalik si Estong sa pinagsogahan ng baka. Wala pa ring tao. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya malapit sa highway. Hindi siya tumuloy. Tinalunton niya ang highway. May iilang sasakyang dumadaan siyang naririnig. Nakarating siya sa isang sagingan. Sumuot siya. Sumilip sa pagitan ng dalawang puno ng saging. May mga trucks ng troso ang nakaparada sa tabi ng highway. Nagluluto ang mga pahinante sa tabi. Ang ika-apat na truck ay isang malaking cargo van. Umatras siya at binalikan sina triplets.

-----------

Ginagalugad ang kagubatan ng mga pulis na galing sa kabisera. Nangunguna si Inspector Villa. Nakahingi siya ng tulong sa kanyang provincial police superintendent. Nagpadala ito ng limampung special action forces. May dumating ring mga sundalong army para tumulong sa paghahanap sa triplets.

Headlines sa mga pahayagan ang litrato ng triplets at ang pagpatay sa mga pulis at camera man. Laging ipinapakita sa mga news TV ang video ng triplets. Maraming natakot na mamamayan sa mga bayang kalapit ng bundok.

Nakita na ang mga bangkay na iniwan ng triplets sa gubat. Nasa guwang na sina inspector at mga buto at bungo na lang ang kanilang naabutan sa loob. Nagkukuhanan ng mga videos ang mga kasama niyang taga media.

"Sir sa palagay po ninyo saan pa pwedeng magtago ang halimaw?"
Tanong ng reporter kay inspector habang nasa harap sila ng camera.

"Malaki ho ang bundok na ito at malawak ang kagubatan. Marami ho silang pagtataguan pero hindi kami titigil hanggat hindi namin sila napapatay."

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon