Chapter 9 . . . Ang Hawlang Bakal

201 7 1
                                    


Ang Hawlang Bakal

------


Dumating sa lumang factory ang mga tinawagan ni Roger. Isang mahabang bedtruck na may liftting crane ang umatras sa loob ng bodega. Nagulat ang mga tauhan niya ng makita ang tulog na triplets. Natakot sila sa hitsura ng mga halimaw. Isang malaking lona at malaking tanikalang bakal ang kanilang ibinaba mula sa truck. Nilagyan nila na parang posas na gawa sa makapal na bakal at dinudugtungan ng makapal na kadena ang mga paa ng triplets para hindi niya gaanong maihakbang ang kanyang mga paa.

Nilapitan ni Roger ang isang malaking braso ng triplets at sinaksakan ng 500 ml. na pampatulog para masigurong hindi ito magigising sa mahabang biyahe. Nilagyan ng makapal na posas ang mga kamay na madaliang ginawa para lang sa halimaw. Sinukatan nila ang taas nito. Walong piye at anim na pulagada na ang kanyang taas. Tinignang mabuti ni Roger ang triplets. Tatlong ulo ang lumabas mula sa malaki at matipunong katawan na may malapad na balikat. Mabalahibong makapal sa ibaba na parang buhok sa ulo at natatakpan ang kasarian palibot sa puwitan. Para siyang short na damit sa ibaba. Mahahaba at malalaki ang mga daliri na ang inliliit ay kasing laki ng tubong de dos. Kapag itinikom ang kamao ay malaki pa sa ulo ng isang tao. Mahahaba at nakakapal ang mga itim na kuko. Binuhat siya ng sampu katao na nahihirapan pa sa pagbuhat at inilagay sa nakaladlad na lona. Binalot nila at tinalian ng malaking kadenang bakal. Itinaas siya ng lifting crane ng bedtruck na lumangitngit dahil sa kanyang kabigatan at inilapag sa ibabaw nito. Muli siyang isinecure ng malalapad na nylon belt strap para hindi makagalaw kung magigising man.

"Sir ready na ho siya for transport. Sabi ng foreman.

"Sige dalhin na ninyo siya sa warehouse. Sana tapos na ang kaniyang kulungan pagdating natin doon." Sabi ni Roger.

Lumapit si Estong kay Roger at nagpapaalam ng umalis. Tinignan siya ng hunter. Hinayaan lang muna niya si Estong dahil abala pa sila sa triplets. Ngayong tapos na sila ay gusto na niyang kausapin ang matanda.

"Kayo ang matagal na kasama ng mga halimaw. Gusto kong malaman ang tungkol sa kanila. Sumama kayo sa akin at ikuwento ninyo habang nasa daan tayo." Sabi ni Roger na napilitan si Estong na sumama na.

Sumakay sila sa itim na SUV at sumunod sa bedtruck na papalabas na sa gate ng factory.

"Ako si Estaquio Gulapa. Ang mga halimaw ay pinangalanan kong Pula, Itim at Ngipin. Sila ay aking mga apo!" Bungad na kwento ni Estong. Nagulat si Roger sa sinabi ni Estong. Lalo siyang nagka-interesadong malaman ang tungkol sa triplets.

"Sige Estong ituloy mo. Sabihin mo lahat ang tungkol sa kanila."

Nagpatuloy si Estong sa pagkukwento. Sinimulan niya noong may nanliligaw pa sa kanyang anak na si Gilda ang ina ng mga halimaw. Sinabi niya lahat kung paano nagdalangtao ni Gilda, ang pagsilang nila, ang mga pagpatay na maging ang kanyang asawang si Daria ay kanilang kinain.

"Wala silang kabusugan mula ng sila ay isilang. Ang bilis ng kanilang paglaki. Para sa kanila ang tao ay isang masarap na pagkain. Wala pa silang isang taong gulang ngayon."

"Kamangha-mangha ang kwento mo Estong. Mahirap paniwalaan pero totoo. Anak sila ng isang maligno at ng tao. Kung wala pa silang isang taong gulang sila ay isip bata pa. Doon ka muna tumira sa warehouse. May silid tulugan doon. Ipadadala ko lahat ang mga kailangan mo. Ikaw lang ang kinikilala ng mga halimaw." Sabi ni Roger. Inilabas niya ang kanyang cp at may tinawagan.

"Oo Bumili ka ng tatlong baka at dalhin sa warehouse. ASAP!" Sabi niya sa kausap.

------------

Sa loob ng malaking ware house ay abala ang anim na welders sa pagbuo ng isang malaking kulungan. Isang pulgada ang kapal ng base na steel plates. Dalawang pulgada ang bilog ng mga bakal na rehas. Walang pintuan sa ibaba. Nasa bubong na rehas ang sliding na pintuan. Sa itaas ay may isang over head crane na ginagamit sa pagbuo ng kulungan.

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon