Part 21 . . . Kamatayan ng Ikatlo sa Triplets

206 13 0
                                    


""Kamatayan ng Ikatlo sa Triplets"

------

Iba na ang galit ni Ngipin. Ginigihis na niya ang kanyang mga maiitim na ngipin. Malapit na siya sa ibabaw ng pader.

Hindi pa rin kumikilos si Inspector Valle. Limilitaw na ang ulo ni Ngipin sa ibabaw ng pader.

"PLIK!"

"HUH!" Isang kapirasong baging na nakabaluktot ang tumama sa pisngi ni Inspector Valle. Nagising siya. Umupo siya at sinasalat ang kanyang kanang pisngi na namantal. Lumingon siya sa kanan para tignan kung saan galing ang tumama sa kanya ng makita niya ang buhok ni Ngipin na lumalabas ang ulo sa kabilang pader.

"Huh! Ang halimaw. Marunong na ring umakyat dito sa ibabaw ng pader!" Bulong niya. Mabilis siyang gumapang patungo sa gilid at bumaba sa pader.

Ibinaba naman ng nuno sa punso ang kanyang dalawang paa. Kinuha niya ang isang goma na nakasabit sa hinlalaki ng kanyang paa at ibinulsa. Isinama niya sa mga putol na baging at humagikgik siya sa tuwa. Naisahan niya ang mga tikbalang. Sinamantala niya ang kanilang mga ingay sa pustahan kanina ng palihim niyang tinirador ang mukha ni inspector.

Tumayo si Ngipin sa ibabaw ng pader at sumigaw.

"GWAAAAARRRHHHH! Nasaan ka bubuwit?

Nasa ibabang gilid ng pader ang hinahanap niya at nakasiksik sa mga halaman. Nag-iisip kung ano ang kanyang gagawin.

"Mahihirapan na akong patayin siya kung nasa ibabaw na siya ng mga pader. Malaki ang sugat niya sa likod pero malakas pa rin siya. Itong espada lang ang pwedeng sumugat sa kanya at hindi ko siya malalapitan kung nasa itaas siya ng pader. Kailangan pababain ko siya. Ahhnh! Bahala na!"

Lumabas si inspector sa kanyang pinagtataguan. Pumagitna siya sa pasilyo at itinaas ang dalawang kamay.

"HOY IMPAKTONG HALIMAW! NARIRITO AKO! BUMABA KA RIYAN!" malakas niyang sigaw at nagtatalon pa.

Narinig ng halimaw ang sigaw ni inspector. Wala siyang makita sa ibabaw ng mga pader. Naglakad siya at tumingin sa ibabang magkabilang pasilyo. Wala! Humakbang siya ng malaki at tumawid sa kabilang pader. Nakita niya si inspector na nagtatatalon sa ibabang pasilyo.

"Ahhhhh! Nariyan ka pala! Ang lakas ng loob mong magpakita." Sabi niya.

Yumuko siya para dakmain si inspektor pero hindi niya abot. Tumakbo ng mabilis ang dadakmain niya sana. Lumiko ito sa dulong pasilyo. Tumayo siya at naglakad. Hinahakbangan niya ang mga ibabaw ng mga pader. Naiinis siya dahil parang dagang tumatakbo na sumusuot sa mga butas ang hinahabol niya. Kapag nakikita na niya ay paliko na sa susunod na pasilyo si inspector at malawak ang maze. Papunta na sila sa gitna ng maze.

Hingal kabayo na si inspector. Binilisan niya ang pagtakbo at paliko-liko siya sa mga pasilyo. Nang hindi na kaya ang pagod ay nagtago muna siya sa mga halaman. Kinuha ang ikatlong niyang bote ng tubig at lumagok. Nangalahati ang laman. Pinakikinggan niya ang itaas ng pader. Tahimik. Inilabas niya ang kanyang ulo at sumilip sa magkabilang dulo ng pasilyo. Wala ang halimaw. Sa kanang dulo ay napansin niyang medyo maliwanag. Tumingala siya.

"HA?" Nagulat siya.

Mukha ng halimaw ang kanyang nakita at naka-upo sa gilid ng pader. Nakatingin sa kanya ang mga nandidilat na mga mata na namumula ang mga ugat na nakaumbok sa puti ng mga mata.

"Ganyan ka palang magtago kaya hindi kita makita-kita. Yari ka ngayon sa akin." Sabi ni Ngipin at muli niyang inaabot si inspector. Pero mataas ang kanyang kina-uupuan.

Biglang labas ni inspector mula sa mga halaman at tumakbo ng mabilis patungo sa dulo ng pasilyo na may liwanag.

"BOG! UGHHHH!"

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon