Part 17 . . . Masakit ang Ngipin ni Ngipin

211 9 3
                                    


"Masakit ang Ngipin ni Ngipin"

-------



"Pula nagugutom ako. Bumaba tayo at kumuha ng pagkain."sabi ni Ngipin.

"Ako rin ay gutom na. Tara baba tayo" bulong ni Itim.

Tumayo ang triplets mula sa kina-uupuang malaking bato. Labing walong talampakan na ang tangkad nila. Umitim na ang kulay ng kanilang balat. Naglakad sila pababa ng bundok. Nasa mapuno na sila ng huminto sa paglalakad.

"Pula maraming pagkain sa paligid." Sabi ni itim."

Yumuko sila at nakaharap sa iba't-ibang direksyon ang kanilang mga ulo.

"Pula naamoy ko ang mga pumuputok!" Bulong ni Itim.

"Itim ayoko ng mawala ang ulo ko!" Sabi naman ni Ngipin. Dumampot ng mga bato ang triplets at dinurog.

"Graawhhhhhhhlllll! Sigaw nila ng sabay sabay. Ibinato ang hawak nilang mga durog na bato sa paligid.

"Arhhhgg! Awkkk! Ughh!"

Sapol ang mga sundalong nagtatago.

"Praatttt!  Prattttt!  Pratttt?"

Umulan na ng mga bala. Hinablot ni Pula ang isang malaking sanga sa isang punong kahoy. Nabali ito. Inalisan niya ng mga maliliit na sanga at dahon. Naging pamalo ito.

Tumakbo sila ng mabilis st iwinawasiwas ang sanga sa mga halamanan. Tumitilapon ang mga sundalong nataranta. Ang iba ay inaapakan nila at binibigwasan. May nadadampot sila at kanilang isinusubo kaagad. Tatambangan sana sila ng mga sundalo  pero bumaligtad ang nangyari. Sila ang naghahanap sa mga sundalo. Tumatakbo sila na iniikutan nila ang lugar. Parang nagwawalis ng mga sundalo ang triplets. Tuwang tuwa pa si Ngipin. Panay ang nguya niya.

Halos nasa dalawang libong dundalo na pinagsamang Marines, Scout Rangers at SAF ang nasa paligid. Nagtakbuhan na ang iba sa takot.  Kahit may mga night vision goggles sila ay nagsilbing walang bisa ang mga ito dahil sa bilis ng takbo ng mga halimaw. Sila ang pinagpiyestahan ng mga halimaw.

"Men Reteat!" Sigaw ng isang opisyal sa kanyang radyo. Atrasan ang nga sundalo.

---------------

Sa bundok ng Sta Rosa ay naghuhukay sina Inspector Villa at Estong sa likod ng kubong dating tinirahan nina Estong.

"Sir ito na ang mga buto ng anak ko." Sabi ni Estong. Inilawan ni inspector ang hukay. Nagpahinga lang siya dahil siya ang unang humukay.

"Kumuha kayo ng isang maliit na pirasong buto Mang Estong." Tugon ni inspector.

Dinukot niya ang isang maliit na supot sa kanyang bulsa at ibinigay sa matanda. Kumuha ng isang buto sa daliri  ng kamay ng anak ang matanda at ipinasok sa loob ng supot at ibinalik ang supot kay inspector. Umahon sa hukay si Estong at tinabunan na ang hukay.

Bumalik ang dalawa sa higanteng puno ng balete. Mag-uumaga na. Dahil sa pagod ay nagpahiga muna ang dalawa sa damuhan para magpahinga pero pareho silang nakatulog. Nagising si inspector dahil sa ingay ng mga ibon. Mataas na ang araw. Tumayo siya at hinayaan niyang natutulog si Estong.

Lumapit siya sa punso at ipinatong sa itaas ang bote ng dugo ni Ayok,  ang tali at ang buto ni Gilda. Humakbang siya paatras.

"Apo narito na ho ang hinihingi ninyong dugo ni Ayok at ang buto ni Gilda." Sabi niya.

Halos isang oras na ay hindi pa lumalabas ang nuno. Nangangawit na ang kanyang mga paa dahil sa tagal niyang pagkakatayo ng hindi kumikilos.

"Apo? Dala ko na ang mga hinihingi ninyo."

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon