Part 11 . . . Triplets Hunted

208 13 2
                                    


"Triplets Hunted"

------‐---


Luminis ang mga kalsadang patungo sa compound ng warehouse. Walang katao-tao maging ang mga sasakyan ay hinarang na para hindi makapasok. Nasa lahat na ng mga channels sa television at radyo ang mga balita tungkol sa triplets. Nagsara ang mga tindahan at ibang estabilismiyento dahil sa takot sa triplets. Nagdatingan ang mga ambulansiya para kunin ang mga sugatan. Nakahinto sila ng may limangpung metro ang layo sa compound. Karamihan ay natulala at natrauma. Nag-iiyakan ang mga babae. Sa isang kanto ay nag-uumpukan ang mga taga media. Nagiiyakan ang mga reporters na nawalan ng mga camera men. Tumatawag sila sa kanilang mga home studios.

Tumawag ng back-up si Inspector Valle habang binabantayan nila ang warehouse para hindi makatakas ang mga halimaw. Dalawang tauhan niya ang napatay na ng triplets. Iniisip niya kung may naiwan pang buhay sa loob ng warehouse. Inutusan niya ang kanyang mga tauhan na palibutan muna ang warehouse at tumingin ng pwede nilang madaanan papasok sa warehouse.

Sa loob ay inipon ng triplets ang mga bangkay sa gitna at saka sila umupo sa semento. May dalawang inatake sa puso sa mga pulitiko na buhay pa at napasama sa mga bangkay.

"Pula ano ang gagawin natin wala si Estong!" Sabi ni Ngipin na hinahaplos ang kanyang pisngi na nasugatan ng bala.

"Pero naamoy ko siya!" Sabi ni Itim na palingon-lingon.

Hindi alam naman ni Estong kung paano itatago ang kanyang sarili sa ilalim ng mesa. Ayaw niyang idilat ang kanyang mga mata. Naniwala siya kay Roger na hindi makatatakas ang triplets.

"Nandiyan ka lang pala Estong. Punagtataguan mo kami!"

"ESTOONNNGGG!" sabi ni Itim at sigaw ni Ngipin. Ini-angat nila ang mesa at ibinato.

"Poooo! Hindi po! Natakot po ako sa putukan!" Na sabi niya at nakabaluktot pa rin.

Hinawakan ni Ngipin ang damit sa likod ni Estong at itinaas siya. Inilapit niya si Estong sa kanyang mukha.

"HUWAGGGGG POOOO!" Sigaw ng matanda na nanginig ng husto.

"Huwag Ngipin. Kailangan natin si Estong!" Sabi ni Pula.

"Estoongggg! Sa susunod na pagtataguan mo kami ay lulunukin kita ng buong-buo!"

"Hindi po! Hindi na po mauulit!"

Ibinaba siya ni Ngipin. Bumalik sila sa mga bangkay. Umupo sila at dinutdot ni Itim ng kanyang daliri ang mga katawan ng mga bangkay. May gumalaw. Isa sa mga pulitikong inatake sa puso at ang isa ay nawalan ng malay ng atakihin din.

"Pula gutom pa ako!" Sabi ni Itim.

"Ako man!" Sagot ng isa.

Dinampot nila ang paa ng pulitiko.

"Huwagggg! Ayeiiiii!"

Nag-unahan sila sa pagkagat. Iglap lang ay wala na ang pulitiko.

"Estongg! Tsop! Tsop! Nasaan kami? Tsop! Tsop!" Tanong ni Pula habang ngumunguya.

"Paano kami lalabas dito! Gusto na naming bumalik sa gubat!" Sabi ni Pula at tumayo sila. Lampas sa 9 na piye na ang kanilang taas. Sa bilis ng pagtunaw ng kanilang mga nakain ay siya rin ang bilis ng kanilang paglaki.

"Isa itong warehouse. Hindi ko na alam kung paano makalalabas dito. May mga baril ang mga pulis sa labas." Sabi ni Estong.

Inubos ng triplets ang mga bangkay maliban sa pulitikong nawalan ng malay tao.

"Baril! Pula iyon ang mga pumuputok kanina!" Sabi ni Ngipin at muling hinaplos ang kanyang pisngi.

"Itim naaamoy ko ang maraming tubig." Patingalang umaamoy sa hangin si Pula.

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon